^

Police Metro

Dalagita hinalay/pinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng 16-anyos na dalagita na natagpuang hubo’t hubad sa isang palayan sa hangganan ng Brgy. Pangascasan, Bugallo at Brgy. Antipa­ngol, San Carlos City, Pangasinan, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Vanessa Amansec, residente ng Brgy. Antipangon, Bugallon, Pangasinan.

Batay sa ulat, bandang alas-5:57 ng umaga nang madiskubre ng isang tricycle driver na si Rudy dela Cruz ang bangkay nang mapagawi ito sa nasabing palayan.

May malalalim na saksak sa dibdib at dumudugo rin ang ari ng biktima na palatandaang hinalay ito.

Sa pahayag ng pamil­ya sa mga otoridad na nagpaalam sa kanila na magi-internet sa Pisonet na pag-aari ni Armando Jimenez, 40 sa San Carlos City at huling nakitang buhay bandang alas-9:00 ng gabi sa nasabing computer shop, subalit nabigo ng umuwi sa kanilang tahanan.

Inaresto naman ng mga otoridad si Jimenez matapos na marekober sa bahay nito ang isang duguang kutsilyo na hinihinalang siyang ginamit sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with