^

True Confessions

Damo sa Pilapil (122)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NARITO na tayo!’’ Sabi ni Zac kay Janice.

“Kaninong bahay ‘yan Sir Zac?’’

“’Yan yung espes­yal na lugar na sinasabi ko.’’

Walang kamalay-malay si Janice na iyon ang bahay ni Zac at Dulce. Sosorpresahin niya si Janice. Ihaharap niya rito si Dulce. Bubukingin na niya ang babaing ito na nagpapagamit kay Bogs. Kailangang turuan ng leksiyon si Janice para matuto sa buhay. Kung hindi niya ito gagawin, patuloy siyang kukulitin ni Janice, ni Bogs.

“O ano pang hinihintay mo Janice? Bumaba ka na.’’

“Hindi mo ipapasok sa loob ang sasakyan, Sir Zac?’’

“Hindi. Dito na lang ito. At saka baka mara­ming sasakyan sa loob e mahirapan akong mag-park.’’

“Okey Sir Zac, ikaw ang masusunod. Tayo na nga at sabik na sabik na ako.’’

“Oo nga. Halika ka na. Para makita mo ang kabangisan ni Sir Zac, ha-ha-ha!’’

Bumaba si Janice.

Nauna na sa may gate si Zac. Wala pa ring kahina-hinala si Janice na ang pinuntahan nila ay bahay mismo ni Zac at Dulce.

Pinindot na ni Zac ang door bell. Walang ibang magbubukas ng gate kundi si Dulce. Alam niyang wala si Manang Cion. Tiyak masosorpresa rin si Dulce sa gagawin niyang ito pero ka­ilangan para matigil na ang kabaliwan ni Bogs na ginagamit si Janice.

Nagulat si Zac nang hawakan siya ni Ja­nice sa braso. Nakiliti siya. Kanina, sinalat ni Janice ang nasa “harapan” niya. May kalandian din si Ja­nice. Pero sa gagawin niya ngayon, magkakaroon ng leksiyon si Janice.

“Matagal ba talaga bago buksan ang gate na ‘yan, Sir Zac.’’

“Sandali lang. Maya-maya andiyan na ang magbubukas.’’

Hanggang maka­rinig sila ng mga yabag na papalapit. Si Dulce iyon.

Narinig nila ang pagbubukas ng gate.

 Humanda ka Ja­nice! (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with