^

True Confessions

Salome (121)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAKITA mo ba nang barilin ang maid kong si Amy?” tanong ni Sir Hector kay Jeffrey.

“Opo. Naglalakad po ako ng gabing iyon dito sa kalsada nang makita ko ang isang babae na binaril ang isang babaing magtatapon ng basura. Sa likuran po ng babaing binaril ay naroon si Mam. Para pong tinakpan o isinangga ng maid ang katawan para hindi tamaan si Mam.’’

Nakatitig si Sir Hector kay Jeffrey at inaarok ang katotohanan sa sinasabi nito.

“Nang makita ko po na nadaplisan ang maid sa braso ay mabilis akong lumapit para siya tulungan. Kahit po nadaplisan lang ang maid ay dumugo rin po ang braso. Ang ginawa ko ay humingi ng saklolo para madala sa ospital ang maid pero sabi ni Mam ay huwag na dahil daplis lang naman. Hindi na po ako kumibo.’’

“Tama ang sinasabi niya Hector. Ako ang nagsabi na huwag nang dalhin sa ospital si Amy. Daplis lang naman.’’

“Sino ang nagbuhat kay Amy papasok sa loob ng bahay?’’

“E sino pa e di si Jeffrey,” sabi ni Mam Pilar na tila proud na proud sa kanyang driver/lover. “Wala naman akong mahihingian ng tulong sa pagkakataong iyon dahil gabi na at wala na rin gaanong tao. Mabuti nga at nagkataong dumaan si Jeffrey.’’

“Salamat sa’yo Jeffrey. Bihira na ang mga taong katulad mo.’’

“Wala pong anuman, Sir Hector.’’

Sumabad si Mam Pilar.

“Kaya pala nasa kalsada pa si Jeffrey ng gabing iyon ay dahil naghahanap ng trabaho. Ginabi siya sa pag-hahanap ng trabaho.’’

“Anong trabaho ang hi-nahanap mo?’’

“Kahit po ano, Sir Hector. Puwede po akong tubero. Marunong din po akong mag-drive.’’

Natigilan si Sir Hector. Muling tiningnan si Jeffrey.

“Anong dina-drive mo?’’

“Kotse po.’’

Napatangu-tango si Sir Hector. Pagkatapos ay bi-nalingan si Mam Pilar.

“Di ba sabi mo nun, gusto mong kumuha ng driver?’’

“Noon yun, pero hindi na ngayon. Nakakapag-drive ka pa naman di ba?’’

“Oo. Pero paano kapag aalis ako. Walang magda-drive sa’yo?’’

“Okey lang Hector. Puwede naman akong hindi umalis.’’

“Kunin na nating driver si Jeffrey. Mukha naman siyang mabait at mahusay mag-drive.’’

“Bahala ka Hector. Ako puwedeng wala nang dri-ver.’’

“Kunin na natin,” sabi at binuksan ang gate. “Halika rito sa loob Jeffrey. Pasok!’’

Kunwari ay inosente at nagpapaawa si Jeffrey.

Humahalakhak naman nang tahimik si Mam Pilar.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with