^

True Confessions

Salome (54)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT, Roc?” Tanong ni Amy pagkatapos siyang tawagin ni Rocco.

“Halika rito at may itatanong ako sa’yo. Hindi kita rereypin.’’

Bantulot si Amy. Nagsa-shabu si Rocco. Na-rehab na. Baka kung anong gawin sa kanya. Pero parang ayos naman ngayon. May hangover pa nga dahil sa apat na beer. Ano kayang ita­tanong?

“Halika! Para kang bingi!’’

Napilitan si Amy. Bahala na. Lumapit siya.

“Ano ba ang itata­nong mo, Roc?’’

“Naalala ko, ba’t nga pala ikaw ang bumili ng beer? Nasaan si Salome?’’

“Wala si Salome.’’

“Nasaan?”

“Nasa school. Nag-aaral yun.’’

“Nag-aaral? Anong pinag-aaralan niya?’’

“Pagka-teacher.’’

“Talaga ha?’’

Napasimangot si Amy.

“O ba’t ka sumima­ngot?’’

“Wala! May itata­nong ka pa?’’

“Anong oras pumapasok si Salome?’’

“Malay ko! Sa hapon yata. Hindi ako sure.’’

“Dapat alam mo.’’

Hindi sumagot si Amy. Parang inis.

Nagtanong uli si Rocco.

“Ikaw, ayaw mong mag-aral?”

“Ayaw ko.’’

“Wala kang pangarap ano? Mabuti pa si Salome – magiging teacher. Maid na na­ging teacher. Okey ah. Dapat sa’yo mag-flight stewardess. Bagay sa ‘yo ang stewardess. Sexy ka naman.’’

Hindi kumikibo si Amy. Pero nasisiyahan  siya sa sinabi ni Rocco na sexy siya. Sexy ba siya? Sabagay, kung ganda lang ng legs ay mas maganda ang legs niya kaysa kay Salome. Mas makinis ang legs niya.

“Ano Amy, ayaw mong mag-stewardess­? O kaya, nurse? Ano Amy?’’

Parang nababaliw na yata si Rocco. Baka naka-drugs ah.

“Wala ka nang ita­tanong. May gagawin pa ako. Marami pa akong pupunasan sa salas. Baka dumating na sina Mam at Sir,’’ tanong ni Amy.

Nag-isip si Rocco.

Maya-maya ay nakangiting nagsalita.

“Pero makinis ang hita mo, Amy, he-he-he! Nakita ko habang nagpupunas ka kahapon. Mukhang mas makinis ka kay Salome, he-he-he!’’

Nakita ni Rocco ang mga hita niya dahil nakalislis ang palda ng uniporme niya. Baka hindi lang hita ang nakita ni Rocco. Baka pati ang “ano” niya. Matagal na sigurong nasa liku­ran niya si Rocco habang nagpupunas siya ng sahig.

(Itutuloy)

vuukle comment

PEACE DEVELOPMENT TEAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with