^

True Confessions

Kastilaloy (156)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUNG alam koh lang ga­nitoh ang mangyayarih, hindih na sanah ako nag-casino, hik!” Sabi ni Mama Julia habang nakahilata sa sopa at lasing sa alak.

“Ako ba ang sinisisi mo?’’ Tanong ni Geof na noon ay naghahanda na sa pag-alis.

“Sinabih ko bah? Walah naman akong sinisisi ah!’’

“Kung magsalita ka e para akong may kasalanan kaya mareremata itong bahay na ito. Parang ako ang nagpatalo sa sugal.’’

“E sinoh bah? Ako bah, hik!”

“Aba’t ang putsang ito’t ako nga ang sinisisi. Baka sinisipa kita diyan makita mo.’’

“Sigeh saktan mo akoh hik!’’

“Kapag hindi ka tumigil, bibigwasan kita. Sige kumatsang ka pa!’’

Tumigil si Mama Julia. Natakot sa sinabi ni Geof.

“Akala mo’t pinakain mo ako e hindi kita uumbagin. Sige subukan mo pang manisi at paghindi, bigwas ang ibibigay ko sa’yo.’’

Hindi na nagsalita si Mama Julia. Baka nga umbagin siya nito. Sinarili na lamang niya ang mga hinanakit. Tahimik siyang lumuha. At habang lumuluha, kinatatakutan niya ang pagdating ng sheriff na mag-uutos na abandonahin na ang bahay dahil nailit na ng banko. Kinatatakutan niya ang pagdating ng araw na lalaboy siya sa kalye at manlilimahid. Magiging taong grasa siya. Mula sa pagiging makinis ang kutis ay magiging marusing siya at pawang libag ang katawan. Mula sa malambot na kama ay sa malamig na semento siya hihiga. Kayanin kaya niya iyon. Baka mas mabuti pang mamatay na kaysa maranasan iyon. Nakakahiya sa mga makakakita sa kanya. Marami pa naman siyang kaibigan na nasa alta sosyedad. Pawang ang mga kakilala, kaibigan, kaklase ay nabibilang sa angkan ng mga may sinasabi sa buhay.

“Makaalis na nga at baka hindi ako makapagpigil ay mabigwasan kita, hmp!”

Naalimpungatan si Mama Julia.

“Saan kah pupuntah Geof?’’

“Wala kang paki!’’

Padarag na lumabas si Geof. Ibinagsak ang pinto. Naiwan si Mama Julia na lumuluha.

Patungo naman si Geof kina Carmina. Aalamin niya kay Gina kung mayroon na itong narinig kina Garet at Gaude ukol sa kayamanan ni Kastilaloy.

Nang makarating sa bahay ni Carmina, agad niyang nakausap si Gina. Kahit nasa gate pa lamang ay tinanong na agad niya si Gina.

“Anong narinig mo kina Garet at Gaude, Gina? May narinig ka na tungkol sa alahas?’’

“Si Kastilaloy lang ang narinig ko Kuya. Wala akong narinig ukol sa alahas.”  (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

CARMINA

GARET

GEOF

GINA

MAMA JULIA

MULA

SI KASTILALOY

SIGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with