^

PSN Opinyon

Opisyal na ordinansa?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SAAN nga ba napupunta ang ibinabayad sa “pay parking” sa kalsada? Napansin ko na ilang kalsada ang may “pay parking”, kung saan may lalapit na lang sa iyo at maniningil ng paradahan. Ang ibibigay naman na resibo ay papel lang. Walang nakalagay na opisyal na resibo ng barangay o lokal na pamahalaan. At mahal pa, P50.00 para pumarada sa tabi ng kalsada na wala namang guwardiya at silong. Mas mahal pa kumpara sa paradahan ng mga mall.

May pahintulot ba ito mula sa lokal na pamahalaan o ng MMDA? Hindi ba’t ipinatatanggal na ng MMDA ang mga nakaparadang sasakyan sa ilang mga kalsada para mas madaanan ng sasakyan? Hindi ba responsibilidad ng barangay captain ang maayos na daloy ng trapik sa kani-kanilang mga kalsada, at hindi gawing paradahan? Ang mga nasisingil bang bayad sa parking ay napupunta sa lokal na pamahalaan, o sa barangay captain o kung kani-kanino lang, kasama ang mga naniningil?

Kung opisyal na ordinansa ito, dapat may opisyal na resibo tulad ng nakikita ko sa Makati. Kung walang opisyal na resibo, paano nababantayan ang mga pumapasok na pera? Sino ang may hurisdiksyon sa mga kalsada? Parang ang nangyari lang ay tila ginawang opisyal ang mga “bantay kotse”. Ngayon, may mga nakatakda nang maningil o kumolekta ng bayad para makaparada.

Kaya siguro matindi rin ang away ng mga gustong maging kapitan ng mga barangay sa Metro Manila. Mala­kas ang kita sa mga nakokolektang bayad mula sa mga tao. Hindi ba’t maraming permit ang barangay? Problema na ang paradahan sa Metro Manila. Pero hindi solusyon ang mga kalsada, at lalong hindi rin tama na may maningil na lang basta-basta. Ang kalsada ay hindi pag-aari ninoman, kaya hindi ko maintidihan kung bakit may naniningil. Tulad ng sabi ko, kung ordinansa ito, gawing maayos at opsiyal. May tamang resibo, para alam ng nagbabayad na napupunta sa gobyerno ang pera at hindi kung kanino na lang. 

vuukle comment

ORDINANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with