^

PSN Palaro

Slam Dunk

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Ano bang usapan sa PBA slam dunk competition?

Eh di mag-dunk.

Kaya yun ang ginawa ni Jammer Jamito, ang Ginebra rookie, nung PBA All-Star Week kamakailan sa Lucena City.

Yun nga lang, nakakatawa ang ginawa niya at tuloy ay umani siya ng batikos mula kay PBA commissioner Chito Narvasa.

Nung una, banned na raw si Jamito sa mga susunod na slam dunk competition. Nilinaw naman ito ng PBA official na si Willie Marcial.

Hindi naman daw banned si Jamito. Ang gusto lang ni commissioner sa mga contestants ay ibigay nila ang lahat.

Well, agree ako kay kume.

Sa kanyang palabas, hinatak pa ng 6-5 na si Jamito ang higanteng teammate na si Japeth Aguilar at pinatayo niya ito sa ilalim ng ring.

Natural, akala ng lahat ay tatalunan niya si Japeth. Pinayuko pa niya ang 6-9 na si Japeth para nga naman hindi siya sumabit sa ulo nito.

Tayuan ang fans na nanonood.

Yun pala, iiwasan din niya si Japeth. Sidestep ang ginawa ni Jamito bago ang kanyang one-handed dunk.

Tawanan ang tao.

Lumapit pa si Japeth sa kanya at si LA Tenorio para mag-celebrate.

Bagsak sa judges ang dunk niya – 37 points.

Yun daw talaga ang plano ni Jamito. Ang pasayahin ang mga tao.

Sa akin, walang masama rito.

Unang-una, nakumpleto niya ang dunk niya. Pangalawa, hindi naman siya nanalo.  At pangatlo, napasaya niya ang tao.

 That’s entertainment!

vuukle comment

JAMMER JAMITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with