^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bgy officials na nasa narco list, imbestigahan

Pilipino Star Ngayon

Si President Duterte na mismo ang nagsabi na 40 percent ng barangay captains sa buong bansa ay sangkot sa pagpapalaganap ng illegal na droga. Sa tuwing magtatalumpati siya, ipinakikita niya ang listahan ng mga taong sangkot sa illegal drugs na kinabibilangan ng mga pulis, mayor, vice mayor, barangay officials at marami pa. Mariing sinabi ng Presidente na sinisira ng droga ang mga kabataan­ at ang bansa mismo kaya magtutuluy-tuloy ang kampanya ng kanyang pamahalaan laban sa ille­gal na droga. Sinisiguro niya na sa pagbaba niya sa puwesto ay malinis na sa droga ang bansa.

Ayon sa report, 80 percent ng barangay sa buong bansa ay apektado ng illegal drugs. At nangyari ito dahil ang barangay officials kasama na ang kapitan o chairman ay protector ng drug syndicate. Mala­yang nakakapasok sa barangay ang sindikato sapagkat hawak ng mga ito ang kapitan at mga konsehal. Ang mga sindikato ang nagpondo sa kandidatura ng barangay officials at sinigurong mananalo para malaya nilang magawa ang gusto, particular na ang pagpapakalat ng droga. Hindi sila kokontrahin ng barangay officials kaya naman nagkaroon nang malaking problema sa droga ang komunidad. Maski ang mga liblib na lugar sa barangay ay naka­pasok na ang droga at ginagawang halimaw ang mga residente lalo ang mga kabataan. Laganap ang patayan, panggagahasa at iba pang krimen dahil sa droga.

Ang pagkakasangkot ng barangay officials sa illegal drugs ang dahilan kaya gusto niyang ipagpaliban ang eleksiyon sa darating na Oktubre. Kung siya ang masusunod, ia-appoint na lamang mga pinuno ng barangay para hindi na makagapang ang drug syndicate. Marami naman ang kumukontra sa gusto ni Duterte. Haharangin umano nila ang balak. Bawal daw sa batas ang balak ng Presidente.

Habang nasa gitna nang pagtatalo ang pagdaraos ng barangay elections, dapat namang kumilos ang Philippine National Police (PNP) at imbestiga­han ang barangay officials na nasa listahan ni Duterte. Umpisahan na ang pagbi-build-up ng kaso. Delikadong manatili sa barangay ang mga may “utak-shabu’’.

vuukle comment

BARANGAY OFFICIALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with