^

PSN Palaro

‘Di Na patatagalin ng San Miguel

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sisikapin ng nagdedepensang San Miguel Beer na tapusin na ang serye sa pagharap nito sa Barangay Ginebra sa Game 5 ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Muling magkakasubukan ang Beermen at Gin Kings sa alas-6:30 ng gabi.

Hawak ng Beermen ang 3-1 abante sa best-of-seven championship series.

At kung mananalo ito ngayong gabi, masusungkit nito ang ikapitong Philippine Cup title at ika-23 kabuuang korona sa liga.

Determinado ang SMB na tuldukan na ang paghahabol ng Ginebra.

Subalit aminado si reig­ning MVP at Best Player of the Conference June Mar Fajardo na hindi ito magiging madali dahil tiyak na reresbak ang Gin Kings.

“Siguradong ilalabas na nila (Ginebra) ang lahat para makabawi kaya kaila­ngan naming maging handa sa anumang adjustments na gagawin nila. Kailangan namin na magawa ang plays namin and at the same time depensa,” wika ng 6-foot-10 slotman.

Inaasahang muling ila­latag ni Fajardo ang kanyang MVP stats matapos ang kanyang double-double na 20 puntos at 13 rebounds nang kunin ng Beermen ang 94-85 panalo sa Game 4 noong Biyernes.

Ngunit hindi lamang si Fajardo ang pinagkukunan ng lakas ng SMB dahil nariyan din sina Marcio Lassiter, Chris Ross, Alex Cabagnot at Arwind Santos na solido ang suportang ibinibigay sa bawat laro.

Nagtala si Lassiter ng 20 puntos sa kanilang huling laro habang umani naman ng 17 si Ross at pinagsamang 21 sina Cabagnot at Santos.

Sa kabilang banda, sasandalan ng Gin Kings ang ‘never say die’ attitude nito na lalo pang pag-iinitin ng libu-libong tagahanga ng tinaguriang crowd favorite.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang Ginebra partikular na si LA Tenorio na naniniwalang kayang bumangon ng kanilang tropa mula sa 1-3 pagka­kabaon.

Nagawa ng Beermen na makabangon mula sa 0-3 pagkakalugmok laban sa Alaska sa finals ng Philippine Cup noong nakaraang taon.

At tiwala si Tenorio na magagawa rin ito ng Gin Kings.

“Nagawa nga nila kaya sa tingin ko kaya rin na­ming gawin yun. Ang focus namin ngayon, makuha yung Game 5. One game at a time lang, kailangan lang naming pagtrabahuhan para magawa namin ng tama,” ani Tenorio.

Maliban kay Tenorio, mamanduhan ang Gin Kings nina Joe Devance, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Chris Ellis at Sol Mercado.

Nanguna sa Game 5 si Devance nang magtala ito ng 22 puntos habang may tig-12 sina Aguilar at Tenorio at 10 naman si Ellis - bagay na hindi pa rin sapat para dalhin ang Gin Kings sa panalo.

“Kailangan naming ma­ging aggressive sa buong panahon ng laro. Mula umpisa hanggang dulo, hindi pwedeng sa umpisa lang or sa dulo lang. Kailangan consistent kami,” ani Tenorio.  

vuukle comment

BEERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with