^

PSN Palaro

Cocolife, Sta. Lucia bibinyagan ngayon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling masisilayan ang bakbakan ng matitikas na volleyball players sa bansa sa pag-arangkada ng Phi­lippine Superliga (PSL) Invitational Confe­rence nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Agad na masusubukan ang tikas ng baguhang Cocolife at Sta. Lucia na haharap sa mga beteranong koponan.

Makakatipan ng Cocolife ang Generika sa alas-3 ng hapon habang sasagupain ng Sta. Lucia ang Petron sa alas-7 ng gabi.

Nakatakda rin ang duwelo ng paboritong Foton at Cignal sa alas-5.

Bago magsimula ang paluan, idaraos ang simpleng opening ceremonies sa alas-2.

Ipaparada ng Sta. Lucia ang ilang NCAA stars sa pangunguna nina Janine Navarro, Ranya Musa at Djanel Cheng ng College of Saint Benilde. Gagabayan ang tropa nina head coach Michael Carino at assistant coach Sammy Acaylar.

Subalit daraan sa ma­tinding pagsubok ang Lady Realtors laban sa Blaze Spikers na nagtataglay ng solidong lineup.

Nakalista sina UST stars Carmela Tunay, Rhea Dimaculangan at Ai­za Maizo-Pontillas gayundin ang bagong recruit na si Mika Reyes na naging bahagi ng PSL Selection na naglaro sa FIVB Women’s Club World Championship noong nakaraang taon.

Para kay Petron assistant coach Ian Fernandez, hindi magiging problema ang chemistry sa pagitan ng setter at spiker dahil dati nang nagkasama sina Dimaculangan at Maizo-Pontillas nang sakmalin ng Tigresses ang titulo noong 2010 sa UAAP.

“They are quite familiar with each other so it will never be a problem. It’s like a reunion of sorts. Kami-kami pa rin ang magkakasama. Their connection, especially that of Rhea and Aiza, is still there. It’s just a matter of how we will prepare them against other teams, especially against a young team like Sta. Lucia,” ani Fernandez.

Raratsada naman para sa Cocolife sina Michele Gumabao, Denden Lazaro, Erika Alkuino, Rose Vargas, Wensh Tiu, Therese Gaston at Iris Patrona.

Mamanduhan ang Asset Managers ni Obet Javier bilang head coach at Tina Salak bilang trainer.

Sa kabilang banda, sasabak para sa Generika sina Angeli Araneta, Carol Cerveza, Bia General at Patty Jane Orendain. 

vuukle comment

COCOLIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with