^

PSN Opinyon

‘Modus: Yaya method’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA mga gustong mangibang-bansa, mag-ingat sa bagong modus ngayon ng mga illegal recruiter.  

Nabisto na ito ng Philippine Overseas Employment Administration o ‘yung nauusong “Yaya method”.

Magpapapuslit ng mga gustong maging OFW ang mga illegal recruiter sa pamamagitan ng pagpipresentang yaya nila ang kasamang lilipad. Kunwari’y pag-aalagain ng anak pero ang mga bitbit na bagahe, mga gamit na pala ng pobreng kumagat sa alok dahil mabilis ang proseso ng pag-alis. Pero hindi sila didiretso sa mismong destinasyon nila kung saan ide-deploy ang OFW. Taktika ito ng kasamang recruiter para makalusot sa immigration.

Hindi lehitimo ang prosesong ito ayon sa POEA. Ito raw ang isa sa mga binabatayan nila ngayon. Karamihan daw kasi sa mga napapalipad ng mga illegal recruiter kung hindi palaboy, biktima ng pang-aabuso ng kanilang mga employer sa ibang bansa.

Marami na kaming naipalabas na ganitong mga kaso sa KILOS PRONTO. Marami na rin kaming mga natulungang napauwi at nakabalik sa Pilipinas.

Sa klasipikasyon ng POEA, dalawang klase ang illegal recruitment.

Pagpapalipad ng mga OFW ng mga hindi lisensyadong recruitment agency. Pangalawa, mga lisensiyadong recruitment agency pero naniningil ng sobra at may subs­titution misrepresentation sa kanilang mga kontrata.

Kaya sa mga nag-aasam na mangibang-bansa sa pag-asang guminhawa ang buhay ng kanilang pamilya, doble ingat. POEA na mismo ang nagsabi, walang direct hiring.

Tatlo lang ang lehitimong paraan ng pangingibang-bansa para maging OFW, sa pamamagitan ng lehiti­mong lisensyadong recruitment agency, name hire o mayroong naghanap sayo ng trabaho sa ibang bansa pero ipoproseso pa rin sa POEA at government to government hire.

Ngayong alam n’yo na, ipakalat sa inyong mga kaibigan, kamag-anak at sa inyong komunidad. Huwag mapasama sa mga nagiging palaboy at nabibiktima ng mga abusadong employer sa ibang bansa.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

 

 

vuukle comment

YAYA METHOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with