^

Dr. Love

Brutal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Nagpasya akong lumiham sa inyo dahil wala na akong madulugan ng aking problema sa asawa.

Tawagin mo na lang akong Loida, 40 anyos at sa kasamaang-palad ay nakapag-asawa ng isang lalaking brutal. Dalawang taon pa lang kaming kasal nang mabiyuda ako, tatlong taon na ang nakararaan. Bata sa akin ang asawa ko ngayon ng anim na taon.

Akala ko ay magkakaroon ako ng pa­ngalawang langit sa piling niya, hindi pala. Madalas ang mga pagkakataon na kung  gusto niyang makipag-sex ay ginugulpi muna ako. Hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi naman ako tumututol sa gusto niya at hindi niya ako kailangang saktan.

Gusto ko na siyang hiwalayan. Hindi ko masabi ito sa aking mga kaanak at kaibigan dahil nahihiya ako. Pagpayuhan po ninyo ako.

Loida

Dear Loida,

May mental disorder ang asawa mo. Sana, kapag sinasaktan ka niya ay ipa-blotter mo at kunan mo ng larawan ang mga pasa mo sa katawan bilang ebidensya ng pananakit niya sa iyo.

Tama lang na hiwalayan mo siya. Mabigat na cause for annulment ang panggugulpi ng lalaki. Dapat mo lang pangalagaan ang buhay na kaloob sa iyo ng Diyos.       

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with