^

Pang Movies

Uge sure na sa nakuhang forever

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

First anniversary na ng Dear Uge ni Eugene Domingo at ng sidekick niya sa sitcom na si Divine, sa Sunday, February 26, na napapanood after ng Sunday PinaSaya.

“Hindi namin in-expect na aabot kami ng four seasons,” kwento ni Uge nang bisitahin namin ang set nila sa Beverly Hills, Antipolo City. 

“Grateful ako sa GMA dahil lahat ng ibinibigay nila sa aking programa original ang concept. Kahit ang mga guest na iniimbita nila, pinipili nila,” sabi ni Uge.

Special guests nila sa anniversary presentation sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at best friend niya at mahusay na komedyante, si Boobay. 

Matapos naming batiin si Uge sa kanilang first anniversary, biniro namin siya na mukhang hindi niya maitago ang saya at halatang in love siya. Hindi naman tumanggi si Uge at nagkuwento tungkol sa kanyang lovelife. 

Two years na pala sila ng boyfriend na si Danilo Bottoni, isang film critic from Italy.

Nakapunta na si Uge sa Italy noong Christmas kung saan siya nag-stay sa family ni Danilo. Kailan naman pupunta sa Pilipinas ang boyfriend?

“Sa April ay napag-usapan naming siya naman ang pupunta rito at gusto kong ipakita naman sa kanya ang mga bansa sa Asia, itu-tour ko siya, tulad din nang pagtu-tour niya sa akin sa iba’t ibang lugar sa Italy last December.”

Totoo bang engaged na sila ni Danilo?

“We are just enjoying our time together, hindi na kami mga fifteen years old, masaya lamang ako na dumating pa rin ako sa ganito. Hindi ako nagmamadali, basta I cherish every moment. Matagal-tagal na rin akong walang boyfriend, pero ngayon I’m very happy and in love.”

Naniniwala ba siya na may forever?

“He is my forever,” nakangiting patapos ni Uge.

Nabanggit nga pala ni Uge, na ibabalik muli ng GMA-7 ang come­dy game show niya noon na Celebrity Bluff. Inaayos daw lamang ang magiging timeslot nito at kung sinu-sino ang magi­ging co-hosts niya.

Serye nina Alden at Maine eere rin sa abroad

Para sa mga Team Abroad nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza na nagtatanong kung may alam kami sa schedule ng worldwide premiere ng Destined To Be Yours, nakakuha kami sa GMA Pinoy TV at narito ang schedule sa iba’t ibang lugar abroad na kasabay dito sa atin at 8:30 PM sa Monday, February 27: Pacific/Vancouver – 4:30AM, Eastern/Toronto – 7:30AM, Hawaii – 2:30AM.

United Arab Emirates (UAE)– 4:30PM, Kingdom of Saudi Arabia (KSA) 3:30PM Italy 1:30PM, United Kingdom – 12:30PM Hong Kong /Singapore – 8:30 PM, Japan – 9:30 PM, Guam – 10:30PM Australia – 11:30PM

Dingdong walang pipiliin kina Megan at Andrea?!

Final episode na mamayang gabi ng Alyas Robin Hood hindi alam ng netizens kung sino kina Sari (Me­gan Young) o Venus (Andrea Torres) ang pipiliin nila para kay Pepe (Dingdong Dantes). Pareho kasing mahal na ni Pepe ang dalawa. 

Ayon kay Dingdong Dantes, naiiba raw ang ending ng story ni Pepe at iyon ang hindi dapat palampasin ng mga manonood pagkatapos ng Encantadia mamayang gabi.

Nagpasalamat din si Dingdong sa lahat ng mga sumubaybay sa kanila sa loob ng more than five months.

 

vuukle comment

EUGENE DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with