^

PSN Opinyon

Tips para pumayat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

AYON sa isang local survey, 40% ng mga kababaihan ay overweight o sobra sa timbang. Samantala, 15% lang ng kalalakihan ang matataba. Bakit kaya? Ito’y marahil kinakain ng nanay ang mga tira ng anak. Lagi rin nasa bahay ang mga babae kaya hindi gaanong nag-e-ehersisyo.

Paano malalaman kung mataba ka o hindi? Isang simpleng paraan ay ang pagsukat ng tiyan. Ayon sa isang pagsusuri sa Asia, ang dapat na sukat ng tiyan (sa pusod ang sukat at hindi sa baywang) ay 36 inches o pababa sa lalaki, at 31 inches sa babae. Kapag lumampas ka rito, ay medyo masama na ito. Kailangan nang magpapayat dahil baka magdulot ito ng diabetes, arthritis at sakit sa puso.

Sundin ang mga tips para pumayat:

l Magbawas ng 100-200 calories bawat araw. Magagawa mo ito kapag iiwas ka sa softdrinks at iced tea. Magtubig ka na lang. Zero calories ang tubig. Puwede mo rin bawasan ang iyong panghimagas. Gawin mo ito at siguradong papayat ka.

l Maging magalaw o malikot. Habang ika’y nagla­lakad, igalaw mo ang iyong mga braso. Habang may ka-text, i-martsa mo ang iyong mga paa. Sa ganitong paraan, makababawas ka ng 100 calories bawat araw.

l Gumamit ng maliit na plato, iyung 9 inches lang ang sukat. Kapag maliit ang plato, mako-kondisyon ang iyong isipan na konti lang ang kakainin. Isa pa, wala nang padukot-dukot pa. Kung ano ang nasa plato mo, iyun lang ang kakainin mo.

l Uminom ng 1 basong tubig bago kumain. Dahil nakabubusog din ang tubig, mas konti lang ang makakain mo.

l Piliin ang masasabaw na pagkain. Mas mabubusog ka sa mga matubig na pagkain tulad ng arroz caldo. Ang sopas at ensalada ay magaan din sa tiyan.

l Magbawas ng kanin. Kung dati ay 2 tasa ka magkanin, gawin na lang 1 tasa. Puwede rin ang kalahating tasa ng kanin bawat kainan. Nakatataba kasi ang kanin.

Sa susunod, magbibigay pa ako ng maraming tips para tuluyan na kayong pumayat. Abangan!

vuukle comment

LOCAL SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with