^

PSN Opinyon

Hindi na ‘tokhang’ illegal na sugal naman

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING kumukuwestiyon at nagtataas ng kilay sa bagong tututukang trabaho ngayon ng Philippine National Police.

Nasira sila sa giyera kontra droga kaya inilagay sila sa giyera kontra ilegal na sugal.

Marami nang presidente ang dumaan. Sumubok na pulbusin ang gambling industry pero hindi nagtagumpay. Tanong ngayon ng ilan, papaano ang deklarasyon ng giyera kontra ilegal na sugal sa panahon ni President Duterte?

Lantaran at hindi lingid sa kaalaman ng publiko, ma­raming malalaking personalidad at mataas na opis­yal ng gobyerno ang nasa likod ng jueteng kung sa Luzon, mashiao naman sa Visayas.   

Pinagsasamantalahan ang kahirapan ng mga maliliit na tao. Karamihan sa kanila mga heneral, PNP regional directors, mayor, kongresman at iba pang mga opisyal.  

Itong mga gambling lord na ito, sila rin ang mga king maker. Kaya nilang ilagay sa puwesto ang kanilang mga manok para maprotektahan ang kanilang operasyon. Kung may narcopolitics, mayroon din gambling politics.    

Kaya katarantaduhan at katangahan ang sinasabi ng ilan sa kanila, napapasigla raw nila ang ekonomiya sa kani­lang lugar dahil sa jueteng.  

Kinukondisyon ang mentalidad ng mga tao. Ang mga tumataya naman ng papisu-piso at pasampu-sampu hindi namamalayan naaadik na sila.  

Wala pa tayong nakikitang inilalatag na plataporma ni PNP chief Dir. Gen. Bato dela Rosa kung papaano nila isasakatuparan ang giyera kontra ilegal na sugal.

Hindi naman sa pinagdududahan ang PNP pero baka sa halip na talunin ang mga gambling lord, ang mga pulis sumugal na lang na makipagkaibigan.

Maliban na lang kung maglalabas din ng listahan si President Duterte ng mga gambling lord tulad ng ginawa niya sa war on drugs. Isa-isahin ang kanilang mga pangalan sa publiko. Umpisahan sa mga opisyal ng gobyerno. Tamaan ang dapat tamaan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with