^

PSN Palaro

James, Irving humataw sa Cavs

Pilipino Star Ngayon
James, Irving humataw sa Cavs
Pinasikatan ni LeBron James ng Cavs ang Suns nang dumakdak ito sa kanilang laban sa NBA.

MANILA, Philippines - Umiskor sina LeBron James at Kyrie Irving ng pinagsamang 47 points para ipagdiwang ang kanilang pagkakahirang sa Eastern Conference All-Star starters.

Nagtala si James na may 21 points at pinantayan ang kanyang season-high 15 assists bukod pa sa 9 rebounds, habang umiskor si Irving ng 26 points para pamunuan ang Cleveland Cavaliers sa 118-103 panalo laban sa Phoenix Suns.

Ito ang ikalawang panalo ng Cavs sa huling li­mang laro.

Hindi naman naglaro si Kevin Love dahil sa kanyang sore back.

Si James Jones ang sumalo sa naiwang trabaho ni Love at nag-ambag ng 14 points.

Ipinoste ng Cavs ang 21-point lead sa dulo ng first half at hindi na nilingon pa ang Suns na may worst record sa Western Confe­rence.

Kumolekta si Tyson Chandler ng 22 points at 16 rebounds sa panig ng Suns matapos magkaroon ng stomach problems sa nauna nilang laro.

Sa Miami, umiskor si guard Goran Dragic ng 32 points, habang humugot si Tyler Johnson ng 10 sa kanyang 23 markers sa fourth quarter para tulu­ngan ang Heat sa 99-95 panalo laban sa Dallas Mavericks.

Winakasan ng Miami ang season-high na three-game winning streak ng Dallas.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Washington ang New York, 113-110 at pi­nadapa ng San Antonio ang Denver, 118-104.

Sa New York, hindi mapapanood si Oklahoma City Thunder star guard Russell Westbrook para sa darating na NBA All-Star Game na nakatakda sa Peb­rero 19 sa New Orleans.

Ito ay matapos manalo si Stephen Curry sa tiebreaker para makasama si Golden State teammate Kevin Durant sa lineup, habang magiging starters naman sina LeBron James at Kyrie Irving ng Cleveland Cavaliers sa NBA All-Star Game.

Inungusan nina Curry at James Harden ng Houston Rockets si Russell Westbrook ng Oklahoma City Thunder para sa dala­wang Western Conference backcourt spots sa bagong voting system na kinabibilangan ng mga players at media sa unang pagkakataon ngayong season.

Makakasama nina Curry at Harden sina frontcourt choices Durant, Anthony Davis ng New Orleans at Kawhi Leonard ng San Antonio purs.

Ang East lineup ay binubuo nina Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks at Jimmy Butler ng Chicago Bulls sa frontcourt at DeMar DeRozan ng Toronto Raptors sa backcourt.

Tinalo ni DeRozan si Boston Celtics guard I­saiah Thomas sa isa pang tiebreaker.

vuukle comment

EASTERN CONFERENCE ALL-STAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with