^

PSN Opinyon

Duterte nagsusulong ng sariling relihiyon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Minura ni Pres. Rodrigo Duterte si Pope Francis nu’ng kampanya, at ang mga obispo at pari nitong maka-Bagong Taon. Nagkibit-balikat na lang ang mga Katoliko. Inisip nilang “bugoy” o “salitang kanto-boy” lang talaga siya, pati sa mga nirerespetong pinuno ng relihiyon nila. Kung sampalin ka, ialok mo pa ang kabilang pisngi, turo ng Bibliya, dagdag pa ng mga banal. Kunsabagay, dagdag ng iba, nakikialam kasi ang mga kleriko sa pulitika, kaya sila nababatikos. Tinuturuan lang umano sila ni Duterte ng prinsipyo ng “separation of Church and State.”

Pero para sa iba, kalabisan na nang magsalita si Duterte laban hindi na sa mga prayle kundi sa Diyos at ritwales ng mga Kristiyano. Aniya: “Naay Ginoo, pero ayaw kabilib anang pageantry. Guapo kaayo mga beste, mamili lag ... taas-taas pang yawa’g Body of Christ, gold ang--ang butangan sang Body of Christ ang ostia, pan-os na. Body of Christ inyong igit. Ako pranka-pranka lang.” Mula ‘yan sa opisyal na transcript ng Malacañang sa talumpati ni Duterte sa harap ng mga barangay officials ng Davao City nu’ng Dis. 27, 2016. Sa wikang Pilipino, aniya, “Body of Christ tae ninyo.” Sa Inggles: “Body of Christ your shit.”

Mr. President, tanong ng Kristiyano, may karapatan ka ba laitin ang buod ng pananampalataya ko? At hindi ba’t sa paglait mo’ng ‘yan ay isinusulong mo na rin ang sarili mong pananampalataya?

Binuo ang konsepto ng “separation of Church and State” hindi para pigilan ang Simbahan kundi ang Estado­. Pinagbabawalan nu’n ang Estado na magtayo o pumabor sa anomang Relihiyon, dahil tiyak na merong ibang pagsasampalataya na mapipisok.

Nu’ng Pebrero 2, tinuya ni Duterte ang paniniwala sa Langit at Impiyerno. “Estupidong Diyos” lang, aniya, ang lilikha sa kanya para lang itapon sa huli sa Impiyerno. Hindi na dedebatihin ng mga Kristiyano si Duterte dyan. Paniniwala niya ‘yan. Pero bilang Pangulo, tanong nila, tama ba na isulong niya ang personal na relihiyon?

vuukle comment

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with