^

Punto Mo

Ang ‘Seksitarya’ ng MPD Stn. 9?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI pala basta-basta makapasok sa kuwarto ni Supt. Jun Obong,  hepe ng Station 9 ng Manila Police District (MPD). Ayon sa mga kosa ko, kapag may dumadalaw kay Sir Obong, hinaharang ng kanyang desk officer at paghihintayin muna sa isang tabi bago papasukin. May mahigpit na protocol pala ang desk offiers na hindi basta-basta makakapasok sa office ni Sir Obong. Hehehe! Hindi naman media shy o nagtatago sa bisita si Sir Obong. Ang usap-usapan sa Station 9 ng MPD, may natutulog na policewoman sa office ni Sir Obong. Ang tawag ng mga pulis at sibilyan sa policewoman ay “Seksitarya.” Hehehe! Baka si Batwoman ‘yan ah! At para hindi mainitan at gumanda ang kutis ni “Seksitarya”, ibinili pa siya ni Sir Obong ng bagong aircon, di ba mga kosa ko dyan sa Station 9? Dapat sigurong halukayin ni NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde kung ano ang kababalaghang nangyayari sa Station 9 at sibakin si Obong kung hindi maganda ang kinalalabasan ng imbestigasyon. Hak hak hak! Magkakabistuhan na tiyak! Hehehe! Get’s n’yo mga kosa?

Kaya hindi masawata ni Obong ang kriminalidad sa kanyang sakop dahil may pinagkakaabalahan siyang iba. Get’s mo Gen. Albayalde Sir? Sinabi ng mga kosa ko na hindi naka-focus si Sir Obong sa trabaho niya dahil ang atensiyon niya ay kay “Seksitarya” o sa weekly parating niya. Kaya hindi namalayan ni Obong nang umatake at nilimas ng Martilyo gang sa isang mall sa Harrizon Plaza ang P5 milyon halaga ng alahas at iba pang gamit ang natangay. Ang usap-usapan pa sa MPD, hindi lang ang Martilyo ang gang umatake sa Station 9 area kundi maging ang ilang kalalakihan na pumasok sa isang palaruan sa Quirino Ave., kung saan P500,000 ding benta ang nalagas. Get’s mo Gen. Albayalde Sir? Mukhang hindi maganda ang security deployment ni Sir Obong dahil ang mall na pinasok ng Martilyo gang ay halos ilang dipa lang ang agwat sa police headquarters niya. At isa pa, may PCP din sa kabilang kanto na wala ring nagawa laban sa Martilyo gang. Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Paano kasi ang iniisip ni Sir Obong ay si “Seksitarya” at kung paano maitaas pa ang weekly payola niya sa mga pasugalan at iba pang pagkakitaan. Tumpak!

Bago sa Station 9, si Sir Obong ay commander ng Station 10 sa Pandacan at ang bagman n’ya ay si Tata Erick. Kuntento naman si Sir Obong sa weekly parating ni Tata Erick. Nang malipat si Sir Obong sa Station 9, tangan din niya si Tata Erick subalit nagkahiwalay sila dahil hindi siya kuntento sa P28,000 na parating ng huli. Ang pumalit kay Tata Erick ay si Tata Dennis na nagpumilit na punuan ang P40,000 na weekly payola na nais ni Sir Obong. Hindi din tumagal si Tata Dennis kasi panay bale ni Sir Obong at kadalasan ay abono pa siya dahil sa pabagu-bagong takbo ng tabakuhan sa Maynila. At nang lumayas si Tata Dennis, ang pumalit sa kanya ay itong si Tata Delo. Sobrang galing na nitong si Tata Delo kung mapunuan niya ang P70,000 na weekly payola na nais ni Sir Obong, di ba mga kosa? Si Delos Santos…este Tata Delo ay siya ring bagman ng Station 8. Tingnan ko kung tumagal si Tata Delo sa pagiging bagman kay Sir Obong.

Hak hak hak! Sa kokonti ng players sa sakop ng Station 9, hindi ako magtataka kung biglang kumalas si Tata Delo sa poder ni Sir Obong, di ba mga kosa?

Bakit pinipilit magpataas ng weekly payola si Sir Obong? Hindi na pang-sports ang sa kanya kundi para rin sa pamilya at kay “Seksitarya.” Get’s n’yo mga kosa? Kaya sumesemplang ang kampanya ng NCRPO laban sa kriminalidad, lalo na sa riding-in-tandem dahil hindi trabaho ang pinagkaabalahan ng mga commander kundi ang pitsa. Sa ibang lugar naman sa Metro Manila, maraming trabaho ang mga istasyon ng pulisya dahil namamahagi ng pitsa sa mga tauhan ang mga station commander at hindi sa “Seksitarya” napupunta ang weekly payola nila. Hak hak hak! Tumpak! Si Sr. Supt. Jemar Modequillo, ang hepe ng Caloocan police, ay namamahagi na rin kaya ng MOOE niya sa kanyang PCP commanders? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with