^

Punto Mo

Michael Phelps, talo matapos ‘makipagkarera’ sa pating

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAHIT ang isa sa pinakamagaling na atleta sa mundo ay walang panama sa isang pating.

Ito ang napatunayan kamakailan lang matapos talunin ng isang great white shark ang pinaka-dekoradong Olympian sa kasaysayan na si Michael Phelps sa isang “karera” ng paglangoy .

Marami nga lang sa mga nag-abang sa pangyayari ang labis na nadismaya dahil hindi nagsabay sa paglangoy ang dalawa.

Sa halip ay magkahiwalay na kinunan ang paglangoy ni Phelps at ng pating sa kaparehong bahagi ng karagatan at pagkatapos ay pinagkumpara na lamang ang kanilang naitalang bilis.

Ginamitan na lang ng special effects ng mga filmmakers ang video ng paglangoy ng dalawa upang sila ay magmukhang magkatabi at aktwal na nagkakarera.

Kahit pa may suot ng animo’y palikpik na makakatulong sa kanyang paglangoy ay natalo pa rin si Phelps ng pating matapos maungusan nito ang oras niya ng dalawang segundo.

Matapos ang kanyang pagkatalo ay agad namang humiling ng rematch si Phelps laban sa pating.

Sa kabila ng dikit na laban ay marami pa rin ang nagreklamo sa social media upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya. Marami kasi ang umasang makikipagkarera talaga ang 23-time Olympic gold medalist sa isang totoong pating.

May mga naaliw din dahil sa rami ng taong naniniwalang posible ang isang aktwal na karera sa pagitan ng tao at pating.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with