^

Punto Mo

Amerikano, pinakaunang skydiver na tumalon mula sa eroplano nang walang parachute

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG skydiver mula sa US na 18,000 beses nang nakakatalon mula sa mga eroplano ang kauna-unahang tao na nakapag-skydive nang walang parachute.

Matapos ang dalawang minutong pagbulusok pababa sa lupa ay nag-landing sa isang dambuhalang lambat ang 42-anyos na si Luke Aikins.

Agad namang bumangon sa lambat si Aikins at pinuntahan ang kanyang pamilya na nanood sa kanyang makasaysayang pagtalon.

Hindi siya makapaniwalang tagumpay ang kanyang ginawang pag-skydive kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa kanyang crew, partikular na sa mga naghanda ng dambuhalang lambat na sumalo sa kanya.

Muntik nang hindi matuloy ang kanyang pagtalon matapos siyang sabihan ng mga kinauukulan na kailangan niyang magsuot ng parachute.

Mabuti na lang at binawi rin ito ilang minuto bago ang nakatakdang pagtalon kaya nagawa ni Aikins ang stunt na walang suot na parachute.

Labindalawang taon pa lang si Aikins nang unang beses siyang mag-skydive at simula noon ay ilan daang beses na siyang tumatalon mula sa mga eroplano taun-taon.

Hindi na nakakapagtaka ang pagkahilig ni Aikins sa skydiving dahil mula siya sa isang pamilya ng skydivers. Parehong skydiver ang kanyang ama at lolo samantalang ang kanyang asawa naman ay 2,000 beses nang tumatalon mula sa mga eroplano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with