^

PSN Showbiz

Ryle Santiago big star ang dating sa bagong endorsement

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ryle Santiago big star ang dating sa bagong endorsement

Ryle at Aileen

Bongga ang presscon na ibinigay ni Aileen Choi-Go para kay Ryle Santiago, ang newest celebrity ambassador ng Cherub baby products ng Megasoft Hygienic Inc.

Feeling big star si Ryle dahil first time niya na naka-experience ng solo presscon na halos complete attendance ang members ng entertainment press.

Tuwang-tuwa si Ryle dahil sa importansya na ibinigay sa kanya ni Aileen sa big presscon ng Cherub noong Thursday night.

Looking forward si Ryle sa mga provincial tour nito para sa Cherub dahil talagang ginagamit daw niya ang baby products ng Megasoft Hygienic. Hindi raw siya lumalabas ng bahay na walang dala na kikay kit na naglalaman ng Cherub baby cologne.

Malaking tulong kay Ryle ang solo presscon niya para sa Cherub dahil na-realize ng entertainment press na matalino siya at magaling sumagot sa mga tanong.

Dati-rati kasi, sa tuwing may mga presscon, one of those lang ang anak nina Sherilyn Reyes at Junjun Santiago. Kadalasan, suporta lamang siya kaya ang mga bida ng mga show na kinabibilangan niya ang palaging tinatanong ng mga reporter kaya naman ganadong-ganado si Ryle sa pagsagot sa mga question ng entertainment writers.

Sinabi ni Ryle na kahit artista rin ang kanyang ina, hindi ito stage mother. Hangga’t maaari, hindi siya sinasamahan ni Sherilyn sa mga showbiz commitment niya.

Hindi katulad si Sherilyn ng ibang mga aktres na super stage mother at nakikialam sa career ng kanilang mga anak dahil type din nila na mapag-usapan bilang mga kulang sila sa atensyon.

Sa totoo lang, kaiinggitan ng mga nanay ang closeness nina Sherilyn at Ryle. Binata na si Ryle dahil 19-years old na siya pero walang plano na bumukod ng bahay. Gustung-gusto pa rin niya na natutulog siya sa kuwarto ng kanyang ina at stepfather na si Chris Tan.

Ideal din ang relasyon nina Ryle at Chris dahil malapit na malapit sila sa isa’t isa. Tunay na ama ang trato ni Ryle kay Chris dahil ito ang nagpalaki sa kanya at nakagisnan niya na tatay.

Maiintindihan naman siguro ni Junjun Santiago ang sinabi ni Ryle sa Cherub presscon na Santiago siya by birth pero Tan siya by heart.

Tatay ni Alden parang reporter

Ngayong araw ang show nina Alden Richards at Betong Sumaya sa Evan Theatre sa Panthers, Penrith, Australia.

Pasasayahin nina Alden at Betong ang mga Kapuso natin sa Australia na excited nang mapanood na mag-perform ang dalawa.

Ang show sa Evan Theatre ang dahilan kaya ilang araw nang hindi napapanood si Alden sa Eat Bulaga at kung sakaling umapir siya bukas sa Sunday Pinasaya, sure na nag-advance taping ang aktor para sa segment niya sa Sunday noontime show ng GMA 7.

Kasama ni Alden sa biyahe niya sa Australia ang kanyang fadir na si Richard Faulkerson, Sr. na active sa social media kaya updated ang fans ng anak niya sa activities nila tulad ng kanilang pagpunta sa Bondi beach sa Sydney.

Kambal, Karibal palaban sa ratings

Nag-rejoice ang cast at production staff ng Kambal, Karibal dahil umariba sa ratings ang primetime show nila sa GMA 7.

Lalong ginanahan ang stars at crew ng Kambal, Karibal na magtrabaho. Inspirasyon nila ang mga sumusubaybay sa kanilang programa na natutuwa dahil paganda nang paganda ang kuwento ng teleserye na lumalaban nang sabayan sa karibal na television show.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with