^

PSN Showbiz

Raymart gusto nang ma-annul kay Claudine!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Trophy na ipamimigay ng MMFF, gawa sa mga antigong kahoy!

PIK: Dinala sa Metro Manila Film Festival (MMFF) presscon kahapon ang sample ng trophy na mapapanalunan sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2017.

Dinesenyo ng artist na si Clifford Espinosa ang naturang trophy na kung saan ang isa sa miyembro ng Metro Manila Film Festival Executive Committee na si Noel Ferrer ang nag-ayos na baguhin ang design.

Pinagdikit-dikit na iba’t-ibang kahoy na Yakal, Apitong at iba pa ang nasabing trophy na talagang hand-made raw.

Sabi ni Clifford; “Lahat ng kahoy na ginamit ay centuries old, kinamay, ginawa at tyinagang lihain, walang pako. Kaya hanggang ngayon ay nililiha pa namin para umabot sa awards night.”

Sa December 27 ang Gabi ng Para­ngal na gaganapin sa Kia Theater.

PAK: Hindi pa masagot ni Raymart Santiago kung paano niya ipagdiwang ang Pasko kasama ang mga anak nila ni Claudine Barretto.

Hanggang ngayon ay med­yo mahirap pa rin daw dahil magkahiwalay nga sila ni Claudine.

“Nadadamay kasi talaga ang mga bata sa paghihiwalay ng mga parents eh. Hindi ko pa alam kung paano,” pakli ni Raymart na isa sa mga bida sa pelikulang Haunted Forest na entry ng Regal Multimedia sa darating na MMFF.

Pagkatapos na-drop ang mga kaso nila noon ni Claudine, inaasahan ni Raymart na maisasampa na ang annulment case.

Ang alam daw niya ay si Claudine ang magpa-file ng annulment case, kaya hinihintay na lang daw niya. Gusto na rin ni Raymart na matuloy na ito.

“Wala naman talaga na kami eh. Dun na rin naman pupunta ‘yun,” pakli ng Kapuso actor.

Okay naman daw sila ni Claudine, at nag-uusap silang dalawa pagdating sa mga bata.

“Tungkol lang naman sa mga bata yung pinag-usapan namin, pag lumilihis na, uy! Sandali!” napapangiting pahayag ni Raymart na aligaga rin sa promo ng Haunted Forest.

BOOM: Iba naman ang status ngayon nina Sunshine Dizon at Timothy Tan dahil deretsahang nagpahayag ang Kapuso actress na hindi na raw nila kailangang magsampa ng annulment dahil feeling daw niya hindi rin daw maga-grant.

Okay naman daw sila ngayon ni Timothy kahit magkahiwalay sila.

“I have set aside emotional baggage’s to co-parent with Tim, kasi ‘yun ang nakakabuti para sa mga anak ko. Masaya yung mga anak ko sa aspeto na yun,” pakli ng lead actress ng Ika-6 na Utos.

Okay daw silang magkaibigan, at hindi niya masasagot sa ngayon kung magkakaroon ba ng balikan.

“‘Yung isipin nyong magkabalikan kami? I’m telling you, not this year, not next year, I’m not sure. I’m not at that point yet, pero okay kami ni Tim. Magkaibigan kami. We’re still a family.

“He can talk to me if he has problems, I still talk to him when I have problems. I’m okay with that. Hindi kami nagsasama ng husband and wife, ‘yun lang,” dagdag na pahayag ni Sunshine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with