^

PSN Showbiz

Magaling na aktres nilayasan ang manager na walang pasintabi!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Malalaman sa birthday ng magaling na aktres kung totoo ang sitsit na wala na siya sa management ng isang kilalang talent manager. Base ito kung babatiin siya ng kanyang talent manager. Matagal nang kumalat ang tsikang ito at tuwing may tinatanong kami sa mga kaibigan ng talent manager, malabo ang sagot sa amin.

Hindi rin malinaw ang sagot ng aktres kung ang manager pa rin niya ang nagpapalakad sa career niya.

Nakita rin namin sa social media na ang nagbigay ng advance birthday cele­bration sa aktres ay ang talent management ng network.

Ea at Joross pinuri ang kagalingan sa pagbaba-bakla

Sumama pala si Edgar Allan Guzman sa Q.C. Pride March. Naka-pink T-shirt din siya na may naka-print na Deadma Walking, ang pelikula nila ni Joross Gamboa na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Isa sa mga ra­son kung bakit gra­ded A ang Deadma Walking ay dahil sa perfor­mance ng buong cast, lalo na sina Edgar at Joross. Sabi ng CEB, nag-standout ang rapport ng dalawa. Binigyan din ng pansin na parehong hindi sila beki in real life.

Showing simula December 25 ang Deadma Walking sa direction ni Julius Alfonso.

Gabby noon pa gustong maging piloto

Tatlong acting awards na ang natatanggap ni Gabby Concepcion para sa role at karakter niyang sina Jerome/Jordan sa daytime drama na Ika-6 Na Utos. Ang pinakahuli ay ang best actor award mula sa OFW Gawad Tanglaw.

“It’s been a good year, I have nothing to complain,” sabi ni Gabby.

Special kay Gabby ang Ika-6 Na Utos dahil natupad ang mga role na gusto niyang gampanan.

“One role na gustung-gusto kong i-portray ang maging pilot at natupad ‘yun dito. Una akong naging piloto sa movie namin nina Sharon (Cuneta) at Dawn (Zulueta) at nga­yon lang uli naulit.”

Nakakatuwa lang na hanggang ngayon, sinusu­nod pa rin ni Gabby ang words of wisdom na in-impart sa kanya ng amang si Rolly Concepcion na galingan niya ang ginagawa.

Direk Laurice walang malay sa ending ng ika- 6

Hindi nagpahuli si director Laurice Guillen sa mga artista niya sa Ika-6 Na Utos na sunud-sunod ang pagtanggap ng ac­ting award. Si direk Laurice kasi ang 2017 Patron of the Arts Awardee. Ang Archdiocese of Manila ang nagbigay ng award kagabi sa Meralco Theater.

Samantala, masaya si direk Laurice sa OFW Gawad Tang­law Award na natanggap nina Gabby Concepcion, Ryza Cenon, at Sunshine Dizon para sa portrayal nila sa kani-kanyang role. “I’m happy for them, lalo na kay Ryza because this is her first acting award and her first starring role sa TV. Kahit kontrabida at galit sa karakter niya ang viewers, na-recognize pa rin ang husay niya,” ayon kay direk Laurice.

Hindi rin pala sigurado si direk Laurice kung kailan ang en­ding ng Ika-6 Na Utos dahil ilang beses na itong na-extend. Dapat magtatapos na sila this December, pero pumirma uli sila ng kontrata for January and February 2018.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with