^

PSN Showbiz

After 22 years, Yassi Pressman nahanap sa italy ang kapatid!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

May isa pang hinahanap

After 22 years, nakilala’t nayakap ni Yassi Pressman ang kanyang half-sister sa Italy.

Sa kanyang Instagram post, sinabi nitong marami siyang iniluha bago nakilala ang kanyang kapatid. “22 Years of my life. FINALLY, i met my Sister Ate Cara. One more, Ate Shiobhan! Australia next complete naaaaa! she’s amazing. Ang dami kong niluha today, pwede ko nang maidagdag sa River salamaaat dreamscape fam, FPJAP Fam, abscbn fam po at sa lahat ng mga kapamilya namin dito, dahil po sainyo, nagkita na po kamiii,” caption ni Yassi habang nasa gitna ng kapatid na kakikilala pa lang at isa pang kapatid na si Issa sa ibinahagi niyang picture.

Kasalukuyang nasa Italy ang grupo ng Ang Probinsyano sa pangunguna ni Coco Martin.

Charo, Piolo, Anne, Sharon, at Arnold niluklok sa Anak TV Makabata Hall Of Fame

Umani ng 63 Anak TV awards ang ABS-CBN para sa child-friendly na mga programa at personalidad nito, kabilang na ang apat na Kapamilya stars na pasok Anak TV Makabata Hall of Fame.

Kabilang sa Makabata Hall of Fame sina ABS-CBN chief content officer at MMK host Charo Santos-Concio, Piolo Pascual, Anne Curtis, at Sharon Cuneta pagkatapos silang iboto bilang Makabata Stars sa loob ng pitong taon.

Male and Female Makabata Stars naman ang Kapamilya stars na sina Bea Alonzo, Noli de Castro, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Julia Barretto, Daniel Padilla, Lea Salonga, Robi Domingo, Julia Montes, Joshua Garcia, Ian Veneracion, Anthony Taberna, Sylvia Sanchez, Susan Roces, Yassi Pressman, at Pia Wurtzbach.

Samantala, nakamit din ng iba pang hit ABS-CBN shows ang Anak TV Seal kabilang na ang A Love to Last, Be My Lady, FPJ’s Ang Probinsyano, Home Sweetie Home, Langit Lupa, Maalala Mo Kaya, Magandang Buhay, Matanglawin, My Dear Heart, Oyayi, Salamat Dok, Superbook, The Greatest Love, Umagang Kay Ganda, Wansapanataym, at Your Face Sounds Familiar Kids.

Napabilang din ang FPJ’s Ang Probinsyano, La Luna Sangre, Maalala Mo Kaya, It’s Showtime, Matanglawin, at TV Patrol sa listahan ng top 10 household favorite TV programs sa buong bansa.

Pinarangalan din ang mga programa mula sa ABS-CBN Regional ng Anak TV Seal.

Pinili ang Anak TV Seal awardees ng mga hurado na kinabibilangan ng mga magulang, guro, NGOs, at ibang sektor ng telebisyon. Iginagawad ang Anak TV Seal ng Anak TV Foundation, isang organisasyon na layuning palawakin ang ‘television literacy’ at ‘child-sensitive and family-friendly television’ sa bansa.

Kasama rin sa pinagkalooban ng Makabata Hall of Fame ang Kapusong si Arnold Clavio na nag-enjoy maki-selfie sa mga kapwa niya hall of famers. Todo upload siya sa selfie nila nina Madam Charo, Anne, at Piolo at iba pang Kapamilya stars. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with