^

PSN Showbiz

Maine hindi nagpatalbog sa paseksihan sa pagrampa! Matagal nang pinag-uusapan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Ellen totoo raw buntis!

PIK: Si Maine Mendoza ang winner sa nakaraang Under the Stars Denim and Underwear Fashion show ng Bench na ginanap sa SM MOA Arena nung isang gabi.

Bukod kina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Richard Gutierrez, Paulo Avelino, Winwyn Marquez, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Rocco Nacino, Ruru Madrid, Kim Chiu, at Enrique Gil, si Maine ang umani nang pinakama­lakas na hiyawan mula sa audience. Ang cute pa niya na naka-pin-up girl outfit sa kanyang white bra top at shorts.

Ka-partner pa niya si Richard Gutierrez at mabilis na inilabas ng fans ang kuha ng dalawa nung fan pa si Maine ng aktor.

Congratulations kay Mr. Ben Chan at sa buong Bench family sa kanilang successful 30th year anniversary show.

PAK: May bumulong sa amin ng pasabog na balita tungkol sa isang kilalang showbiz couple na nahuli raw ng mga pulis sa isang probinsiya somewhere in the north.

Ang kuwento, nahulihan daw sila ng droga na hindi lang sure ng aming source kung shabu o party pills. Pero hindi raw ito kumalat agad dahil mabilis nilang naayos sa mga pulis. Totoo bang malaking halaga ang involved kaya nalinis at walang record na naitala? 

Pero naniniwala kaming lalabas at lalabas din ang balitang ito kung totoo ngang nangyari dahil sikat na sikat ang showbiz couple. Abangan na lang natin.

BOOM: Bago pa man nagsimula ang Under the Stars fashion show ng Bench, narinig na naming hindi na nga rarampa si Ellen Adarna. Pero wala itong sinabing dahilan.

Pinag-usapan pagkatapos ng show na kinumpirma ng online portal na PEP.ph na buntis na nga ang sexy Kapamilya actress at si John Lloyd Cruz ang ama.

Matagal nang lumalabas sa mga tabloid na buntis nga raw si Ellen. September pa lang ay pinag-uusapan na ang tungkol dito.

Wala pang ibinibigay na statement ang magkasintahan, at wala pa nga silang post sa kanilang social media accounts. Pero nakakaintriga lang ang isang post ni Ellen isang linggo na ang nakakaraan kung saan naka-victory sign sila ni John Lloyd. Ang interpretasyon ng netizens ay two months na ang ipinagbubuntis ni Ellen.

Hintayin na lang natin ang announcement nilang dalawa kung buntis nga ang aktres. Dati nang nabalita na nabuntis si Ellen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with