^

PSN Showbiz

Cogie nabiktima ng fake account!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Baka bukas o sa Biyernes pa makalabas sa kulungan si Cogie Domingo dahil may mga inaayos pa sa kaso niya ang kanyang tatay na si Atty. Rod Domingo.

Hindi na-raffle ang kaso ni Cogie sa Parañaque City Regional Trial Court noong Lunes kaya hindi pa nakakapaglagak ng piyansa ang tatay niya para sa kanyang kalayaan.

Malaki ang piyansa na kailangan dahil aabot ito ng P200,000 pero mabuti na ito kesa magdusa si Cogie sa kulungan habang dinidinig ang kaso na isinampa laban sa kanya.

May isang hindi busy na gumawa ng fake account ni Cogie at may pralala na shooting daw at hindi buy-bust operation ang nangyari noong Bi­yernes. Asukal at hindi raw shabu ang binibili  niya.

Malinaw na puro kalokohan ang ikinakalat ng tao na gumagamit sa pangalan ni Cogie kaya hindi dapat paniwalaan at seryosohin. Para hindi mabiktima ng fake news, mag-imbestiga na mabuti o huwag paniniwalaan ang lahat ng mga nababasa ninyo na kaduda-duda ang source at puro kagagahan ang sinasabi.

Heart at Xander gumawa ng ingay sa Cebu

“Jagiyas” na ang tawag sa fans ng My Korean Jagiya, ang primetime teleserye nina Heart Evangelista at Alexander Lee sa GMA 7.

Feel na feel na ang K-lig fever all over town dahil noong weekend, gumawa ng ingay sa Cebu sina Heart, Alexander, at Edgar Allan Guzman.

Hindi napigilan ng mga Cebuano na ipakita ang K-drama hearts nila nang sumugod sila sa Gaisano malls sa Mactan at South Cebu para makita nang personal ang stars ng My Korean Jagiya.

Nakipagtulakan at nakipagsiksikan  ang fans sa kagustuhan na malapitan sina Heart, Alexander at Edgar Allan na sinalubong ng malakas na tilian nang umakyat sila sa stage. May request ang Cebuano fans na sana, mag-I-shall-return sa Cebu ang tatlo.

May mga hiling din ang fans ng My Korean Jagiyas sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas na sila naman ang bisitahin nina Heart, Alexander, at Edgar Allan sa mga susunod na araw.

May nakapagsabi sa akin na extended ang My Korean Jagiya dahil  pataas nang pataas ang ratings ng feel good romantic comedy teleserye ng Kapuso Network.

Ilang sundalo at pulis galing Marawi nagka-instant bahay 

Nakakabilib si Senator Cynthia Villar na maraming pinagkakaabalahan sa senado pero memoryado niya ang lahat ng mga lugar na kinatatayuan ng mga subdivision nila ni former Senator Manny Villar.

Si Mama Cynthia ang special guest sa Wowowin noong nakaraang Biyernes dahil tumulong siya kay Willie Revillame sa pamamahagi ng tatlong house and lot sa Bria Homes na ipina-raffle nila sa magigiting na sundalo na lumaban sa giyera sa Marawi.

Tinanong ni Mama Cynthia ang lugar na tinitirhan ng mga nananalo na sundalo at alam niya ang lahat ng probinsya na may Bria Homes. Amazing ‘di ba?

Sina Piccolo dela Cruz ng Malabon, Fernando Julian ng Pangasinan, at Jesus Pancho III ng General Trias, Cavite ang lucky soldiers na nanalo sa raffle draw ng mga house and lot sa Bria Homes na pag-aari ng mga Villar.

Sobrang touching ng Friday episode ng Wowowin dahil sa tribute na ibinigay sa kanila ni Willie.

Walang umuwi na luhaan dahil lahat ng mga sundalo at pulis na special guests, binigyan ni Willie ng mga jacket at cellphone.

Naging emosyonal ang lahat dahil ramdam na ramdam nila ang pagpapahalaga sa kanila nina Mama Cynthia, Papa Manny, at Willie pero umuwi sila na maliligaya. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with