^

PSN Showbiz

Zsa Zsa nagka-trauma na sa kasal!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Zsa Zsa Padilla na nagkaroon siya ng trauma sa pagpaplano ng kasal nila ng kasinta­hang si Conrad Onglao. Matatandaang nakapagplanong magpakasal ang magkasintahan ilang taon na ang nakalilipas pero hindi ito natuloy.

“I guess because several years ago nagkaroon ako ng trauma na naiplano ko ahead of time tapos hindi naman natuloy. So kahit paano may fear ako na baka kapag plinano ko, hindi na naman matuloy tulad ng dati,” pagtatapat ni Zsa Zsa.

Marami na ring pinagdaanan ang magkasintahan lalo pa’t nagkahiwalay sila at nagkabalikan. Kung sakaling mag-iisang dibdib na ay nais na lamang daw ng Divine Diva na gawing simple na lamang ito. “Siguro dahil na rin sa edad ko na gusto ko simple na lang. Tutal nagawa ko na ‘yung church wedding,” giit niya.

Samantala, masaya rin si Zsa Zsa para relasyon ng anak nila ni Dolphy na si Zia Quizon at ni Robin Nievera. Boto raw ang aktres sa binata para sa anak dahil malapit na mga kaibigan din niya ang mga magulang nitong sina Pops Fernandez at Martin Nievera.

Tony maraming pinaghahandaanpagkatapos ng KathNiel

Maraming mga bagay na natututunan si Tony Labrusca sa kanyang kauna-unahang acting project sa La Luna Sangre. Nakagawa na rin ng ilang TV commercials ang binata mula nang sumali sa Pinoy Boyband Superstar noong isang taon.

“I’m learning so much about how this industry works and I’m playing Jake who is a teenage werewolf. It’s cool because I can learn a lot about myself through the character I’m playing. He’s very much like me in a sense that he’s a nice guy and he wants to remain a nice guy. At the same time, there are things in his life that makes him feels like he’s torn. So he’s a very relatable character and he’s very likable that’s why a lot of people like Jake,” paliwanag ni Tony. 

Masayang-masaya ang binata dahil napabilang siya sa seryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kapag nasa taping at walang kinukunan na eksena ay talagang nagba-bonding daw silang lahat sa location.

“Here in the Philippines, people really take the characters and their roles and think that that’s still how it is behind camera. All of us are really good. We like to have fun. Everybody’s really nice and since I’m a brand new like I have so much to learn. So everyone’s kind of just like just teaching me how to do things,” pagbabahagi ni Tony.

Kapag nagtapos na ang serye ay maraming mga bagay na rin ang pinaghahandaang gawin ng baguhang aktor. “I do plan of really making the Philippines my home base. I also want to create my own stuff. So I released my single and I want to make more music. It would be cool to come out with my own online content. I also think I really need to travel, I really need to inspire myself and rejuvenate my soul. So that when I get another project I’m ready,” nakangiting pahayag ni Tony.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with