^

PSN Showbiz

Mga magulang ng singer-actress wagas ang kakuriputAn!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bidang-bida sa isang malaking umpukan ang mga magulang ng isang sikat na female personality. Maraming kuwento ang mga impormante tungkol sa sobrang katipiran ng mag-asawa. Naganap ang lahat nang magpatayo ng gusali ang pamilya.

Masinop sa buhay ang mga magulang ng pamosong singer-actress, lahat ng puwede pa nilang pakinabangan ay itinatabi nila, hindi ipinatatapon sa mga manggagawa ng kanilang building.

Kuwento ng isang source, “Ay, walang nasasayang sa mag-asawang ‘yun! Lahat-lahat, kinukuha nila, pinupulot nila ang mga nahuhulog na pako sa sahig, mahal daw kasi ang presyo nu’n na totoo naman.

“Hindi nila ipinamimigay ang mga scrap, iniipon nila ‘yun para maibenta, kaya lahat ng pinagtabasang kahoy, nakaipon ‘yun! Ang nakakaloka, e, nag-uunahan ang parents ng girl sa pagkuha ng mga scrap.

“Kahit gabing-gabi na, e, nagpupunta pa sa site ang daddy niya para lang maipahakot ang mga scrap. Kinukuha niya ‘yun para maibenta. Kapag dumara­ting ang mommy ni ____(pangalan ng sikat na singer-actress), agad din niyang pupuntahan ang tambakan ng mga scrap.

“Pinagbibintangan pa niya ang mga karpintero, ninanakaw raw kasi ang mga scrap nila, kaya naloka siya nu’ng sabihin ng mga manggagawa na kahit gabing-gabi na, e, nagpupunta pa du’n ang mister niya para lang makuha ang hinahanap niyang scrap!

“Mismo! Nag-uunahan sila sa pagkuha ng mga scrap, naglolokohan sila, nakakaloka ang parents ng girl na halos nagpapakamatay na sa pagtatrabaho,” napapailing na kuwento ng unang impormante.

Maraming security agency na nakakaaway ang mga magulang ng sikat na singer-actress, nagsusumbong kasi ang mga kinukuha nilang guwardiya sa ahensiya, heto naman ang kuwento tungkol du’n.

“May itikan sila, e, kaya naglagay sila du’n ng mga guwardiya para mabantayan ang kanilang mga helpers pati ang mga alaga na rin nila. Aba, kapag may namamatay silang alaga, ibinabawas nila ‘yun sa suweldo ng mga security!

“Nakakaloka ang mag-asawang ‘yun! Hawak ba ng mga guwardiya ang buhay ng mga itik na alaga nila? Kaya hirap na hirap silang makakuha ng mga guards, alam na ng mga agency ang mga ginagawa nila, magdusa sila!

“Ayun, ano tuloy ang nangyari? Pati ang anak nila, e, humiwalay na rin sa kanila ngayon. Tipirin ba pati ang anak nilang mina ng ginto ng family nila?” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Chill chill sa paggising John Lloyd noon pa gustong magpakatao!

Pagkatapos nang maraming taon ay ngayon pa lang natikman ni John Lloyd Cruz ang paggising sa bawat umaga na wala siyang iniintinding trabaho. Gigising siya na kanya ang oras, hindi siya naghahabol, kanyang-kanya ang maghapon.

At gumigising pa siya nang maligaya ngayon dahil ang unang-una niyang nakikita sa pagdilat ng kanyang mga mata ay si Ellen Adarna.

‘Yun ang klase ng buhay na ninanamnam ngayon ni JLC, naging maramot kasi ang kapalaran sa kanyang kagustuhang makapagpahinga, ilang dekada ring naging rutinaryo ang ikot ng kanyang mundo sa araw-araw.

Sabi ng isang kaibigan ni John Lloyd, “Hayaan lang muna natin siyang maangkin ang buhay niya everyday, naging makina naman kasi siya sa katatrabaho, natural lang na gusto rin niyang maging taong-tao.

“Makita n’yo, sa pagbabalik niya, e, para na siyang bagong tao. Refreshed, para na siyang nagpa-injection ng mga vitamins na kailangan niya uli sa pagtatrabaho na tulad nang dati.

“’Yun kasi ang wish ng mga artista, lalo na ng mga sikat na tulad ni John Lloyd, ang kahit paano naman, e, makapagpahinga sila. Mabababaw lang naman ang kaligayahan nila, e!

“Konting pahinga, ‘yung free silang gumising na cool na cool lang sila, walang iniintinding work sa maghapon at magdamag,” pagtatanggol kay JLC ng aming kakuwentuhan.

At sana nga, sa kanyang pagbabalik, ay kasing-init pa rin nang dati ang mga kamay na sasalubong kay John Lloyd Cruz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with