^

PSN Showbiz

Toni bulag at bingi kina John Lloyd at Ellen ; Piolo naglabas ng pera sa movie nila ni Toni

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Toni bulag at bingi kina John Lloyd at Ellen  ; Piolo naglabas ng pera sa movie nila ni Toni

Pio­lo Pascual at Toni Gonzaga

Co-producer pala si Pio­lo Pascual sa balik-tambalan nilang pelikula ni Toni Gonzaga na Last Night ang title. Idinirek ito ni Joyce Bernal na partner ni Piolo sa Spring Films at si Bela Padilla ang nagsulat ng kuwento. Bukod kay Piolo, co-producer din ang ex-dyowa ni Bela of N2 Productions na si Neil Arce with Boy 2 Quizon. Pero hindi nagpahuli si Angel Locsin, dahil ang aktres na sinasabing current love ni Neil ang nagbigay ng idea at naglapit sa Star Cinema para matuloy ang proyekto.

Anyway, pagdating naman sa TV ay tuluyan nang ibinasura ang serye sanang pagsasamahan nina Papa P and Toni, ang Written in Our Stars. Natengga kasi ang proyekto nang mabuntis at manganak si Toni.

Reunion movie ito ng dalawa after their Valentine blockbuster na Starting Over Again.

You’re My Boss naman ang last movie ni Toni.

Bela Padilla

First screenplay naman ito ni Bela sa Star Cinema (pero may nauna na siyang tatlong isinulat na kuwento). 

Base sa synopsis, level up ang istorya nito at hindi basta pa-cute-cute na lang sina Piolo at Toni na almost three years bago natuloy at may tema itong suicide.

Speaking of Toni, ayaw nitong mag-comment sa makontrobersyang relasyon ng mga kasama niya sa sitcom na Home Sweetie Home na sina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna.

Ayon kay Toni mas abala siya sa pagpu-promote ng Last Night.

“Hayaan na lang natin,” sabi niya.

Nang tanungin siya kung ano’ng stiwasyon nila sa taping. Walang pagbabago ayon kay Mrs. Paul Soriano.

“Siyempre, iba ‘yung trabaho, iba ‘yung personal na buhay. Trabaho lang naman ako so wala akong masasabi.

“Basta sa set, masaya kami. Family kami kasi three years na ang Home Sweetie Home.”

Kahit sa isyung hindi na bagay si Ellen sa show nila at dapat na itong tigbakin ay wala siyang masabi.

“Honestly, hindi ko alam ang part na ‘yan. Sobrang tutok ako sa Last Night, hindi ko siya masyadong mapagtuunan ng pansin,” sagot ni Toni kahapon sa presscon ng Last Night na showing na sa September 27.

Lantaran na ang relasyon nila John Lloyd at Ellen at obviously wala na silang pakialam kung ano’ng sasabihin ng mga tagasubaybay.

Rhian,Lovi at Max

Rhian, Lovi at Max, maraming hugot sa pagiging ex

Pare-parehong tatlo ang naging ex nina Rhian Ramos, Lovi Poe, and Max Collins.

Yup, pero ayaw nilang pangalanan kung sino ang mga ‘yun though karamihan sa atin ay kilala na ang naging karelasyon nila particular na sina Rhian and Lovi. Basta tig-tatlo raw ang official na nakarelasyon nila.

Kaya naman hindi na sila gaanong nahirapang mag-adjust sa role nila sa nakalinyang primetime serye ng GMA na wala pang final title, pero sa #kuwentuhangex iikot ang kistorya ng tatlong hindi na baguhan sa pakikipagkaibigan sa ex ng kanilang mga ex.

Magiging magkakaibigan ang tatlong babae na nakarelasyon ng isang lalaki lang.

Magkakaiba ang character nila – isang happy go lucky and flirty swimwear designer, isang strong-willed and practical and a workaholic with a sunny disposition at lahat nang gagawin niya ay naka-schedule.

Ang multi-awarded director na si Maryo J. delos Reyes ang nagdirek  nito.

Soon ay mapapanood ang kuwento ng tatlong babae na naging magkakaibigan na nanggaling sa relasyon sa isang lalaki na tiyak na maraming makaka-relate.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with