^

PSN Showbiz

Jinggoy nangakong dadalasan ang dalaw kay Bong

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Alden binira ng mga Marcos loyalist!

PIK: Natutuwa ang mag-asawang dating Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado sa mga mensaheng ipinarating sa kanila na dapat ay si Sen. Bong na ang susunod na lalabas pagkatapos payagan ng Sandiganbayan na magpiyansa si dating Sen. Jinggoy Estrada.

Ang mga mensaheng ipinaparating sa kanila ay lalong nagpapatibay kay Sen. Bong at hindi ito nawawalan nang pag-asang payagan na rin siyang makalabas.

Dito raw lalong nakikita ni Sen. Bong at ng buong pamilya ang mga matatalik na kaibigang hindi bumitiw at sinisikap na dalawin siyang madalas.

Sobrang touched ang mag-asawa nang duma­law agad si Sen. Jinggoy nung nakaraang Linggo kay Bong at nagtagal doon ng mahigit tatlong oras.

Sisikapin daw ni Sen. Jinggoy na madalaw si Sen. Bong nang madalas.

PAK: Isang kaibigang hindi taga-showbiz ang nag-text sa amin kung hiwalay na ba ang kilalang male cele­brity sa dyowa-dyowaan niyang kila­lang aktres.

Sabi namin, sa pagkakaalam namin, hindi.

Dalawang beses daw niya kasing nakita itong si male celebrity sa isang bar sa Makati kasama ang kilalang female deejay ng isang FM radio.

Ang sweet daw ng dalawa na parang may something daw na namamagitan sa kanila.

Kilala raw niya itong si girl na mahilig talagang kumabit sa mga mada­datung na lalaki. Pero kung gusto niyang dito ma-link sa kilalang male ce­lebrity, mag-ingat din siya dahil palaban at maingay si aktres na dyowa-dyowaan ni male celebrity.

BOOM: Maganda ang feedback sa Martial Law special na docu drama na pinagbidahan ni Alden Richards.

Ang daming natuwa sa ma­galing na pagganap ni Alden, pero may mga nakarating na kuwentong na-offend daw ang ibang AlDub fans na mga Marcos loyalists.

Pati ba naman ‘yun? Sabi naman ng ilang taga-GMA Ar­tists Center, noon pa man ay sinasabi ni Alden sa mga inter­view na ginampanan lang daw niya ang role ng may-ari ng kuwento na si Boni Ilagan. Nagandahan lang daw siya sa kuwento at artista lang daw siya sa special na iyun. Wala siyang sariling opinyon o statement kaugnay sa Martial Law.

Alam naman daw niyang ma­iintindihan ito ng mga fans niya.

Samantala, bukas na kaya i-finalize ang movie project na gagawin nila ni Maine Mendoza?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with