^

PSN Showbiz

Gatecrasher mahihirapan, kasal sa Paris nina Vicki Belo at Hayden Kho may stub

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Walang ingay ang Dangerous Woman concert ni Ariana Grande sa Mall of Asia Arena noong Lunes. Sina Nadine Lustre, Alex Gonzaga, at ang Ariana Grande copycat na si An­drea Brillantes ang ilan sa mga celebrity na nanood ng Dangerous Woman.

SCENE: May kapalit ang guesting ni Vice Ganda sa Woke Up Like This dahil pumayag din si Vhong Navarro na magkaroon ng special participation sa pelikula niya.

SEEN: Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Woke Up Like This, ang pelikula nina Vhong Navarro at Lovi Poe sa Regal Entertainment, Inc. Malaki ang kontribusyon ni Vhong sa kuwento ng Woke Up Like This.

SCENE: Ang giit ng kampo ni Mariel de Leon na si Mocha Uson at hindi ang reigning Bb. Pilipinas International ang pumatol sa tweet nito. Hindi na magkokomento si Mariel tungkol kay Mocha para hindi siya magamit sa isyu.

SEEN: Flattered at honored si Jaclyn Jose sa mga papuri na natatanggap niya sa kanyang superb acting sa Patay Na Si Hesus, isa sa mga pelikula sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na pinipilahan ng moviegoers.

SCENE: May stub na ibibigay sa mga invited guest sa Paris wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. sa September 2 kaya mahihirapan na makapasok sa simbahan at wedding reception ang mga gatecrasher.

SEEN: Maaga na nagdeklara kahapon ng suspension ng klase sa Quezon City si Mayor Herbert Bautista na taliwas sa sentimyento ni Claudine Barretto na napuyat ito sa kahihintay sa announcement.

SCENE: Ngayon ang first day sa mga sinehan ng Hitman’s Bodyguard, ang Hollywood action movie nina Ryan Reynolds at Samuel Jackson. Ang Viva Pictures International ang distributor sa Pilipinas ng Hitman’s Bodyguard.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with