PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Julia at Joshua may gagawin tungkol sa alien!

Julia Barretto at Joshua Garcia

Isang bagong pelikula na ang pinaghahandaan ngayon ng tambalan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Si Antoinette Jadaone ang magiging direktor ng proyekto na may kinalaman daw sa alien.

“Tungkol siya sa isang lalaki na na-meet ang isang sobrang weird na babae, loka-lokang babae na sa sobrang weird niya, naniniwala siya sa aliens. Si Joshua, hindi siya naniniwala sa aliens pero dahil nagustuhan niya si Julia sa unang pagkakita niya, na-endear siya sa kanya. So sinakyan niya ‘yung pagkagusto ni Julia sa aliens,” pagbabahagi ni Direk Tonet.

Matatandaang una nang nagkatambal sina Julia at Joshua sa Vince & Kath & James sa nakaraang Metro Manila Film Festival kung saan ay kabilang din si Ronnie Alonte. Sobrang excited ng dalawang bida dahil muli silang magkakatambal ngayon.

“Ako sobrang excited na ako, hindi lang sa character. Excited ako maka-work si direk, siyempre magsasama ulit kami ni Julia,” nakangiting pahayag ni Joshua.

“Ako very excited for this project and this role that was given by direk and Star Cinema because different siya from VKJ definitely. ‘Yung role na gagawin ko dito, not something I’ve done before. Sa kwento pa lang ni direk, parang ang challenging na niya,” pahayag naman ni Julia.

Hindi makakasama sa bagong pelikula si Ronnie dahil may iba ring ginagawa ang baguhang aktor ngayon. “I don’t think he’s part of this because he’s doing another movie that is also under Star Cinema,” dagdag pa ni Julia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Puso ni Angel tumitibok-tibok na nga

Noong Holy Week ay nakapagbakasyon si Angel Locsin kasama ang mga kaibigan sa Hong Kong. Kasama rin ng aktres ang dating kasintahan ni Bela Padilla na si Neil Arce kaya may bulung-bulungan ngayon na ang businessman/producer na diumano ang bagong manliligaw ni Angel.

Alam naman daw ni Bela na nakikipag-date na ngayon ang dating kasintahan.

“Actually alam ko naman na nagdi-date na si Neil. I didn’t ask for specifics, but I’m aware that he’s already in the dating scene. I’m okay with that, super,” bungad ni Bela. Alam din kaya ng aktres na si Angel ang bagong dine-date ni Neil ngayon?

“No, no. I’m not sure if I’m allowed to answer this question, and he firmly told me not to answer questions about him firmly, firmly being the operative word. Actually wala na akong say, so okay talaga,” giit ni Bela.

Samantala, kamakailan ay nabanggit ni Angel sa isang pahayag na nakikipag-date na rin siyang muli pagkatapos ng hiwalayan nila ni Luis Manzano noong isang taon.

“Okay naman siya, tumitibok-tibok (ang puso). Lumalabas ako ngayon, yes. Lumalabas ako ngayon. Kaka-start din naman. Huwag na nating pangunahan but happy heart naman,” makahulugang pahayag ni Angel.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: