^

PSN Showbiz

Walang urungan, organizers ng Miss U nag-ikot na sa pagdarausan ng pre-pageant activities

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

In full swing ang maraming construction sa loob ng 100-hectare Baluarte na pag-aari ng dating gobernador ng Ilocos Sur na si G. Chavit Singson at ito’y bilang paghahanda na rin sa nalalapit na Miss Universe pageant na gaganapin sa SM MOA Arena on January 30, 2017 na ang pre-pageant activities ay gaganapin sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas na kinabibilangan ng Davao, Cebu, Iloilo at Vigan na isa sa 7 New Wonder Ci­ties of the World.

Nag-ikot na ang Miss Universe organizers ka­sama ang Department of Tourism at maging si G. Chavit sa mga lugar na nabanggit for ocular ins­pec­tion pero ang DOT sa pamamagitan ni Sec. Wanda Teo ang magbibigay ng official announcement hinggil dito.

May kumakalat sa Facebook na balita na hindi umano matutuloy ang pagsasagawa sa Pilipinas ng Miss Universe pero ito’y walang katotohanan.

Ang trinatrabaho na lamang ngayon ng DOT ay ang paghahanda ng logistics at maging ang strict security ng mga lugar na pagdarausan ng pre-pageant at maging sa gabi ng coronation night at sa mga panahong narito sa Pilipinas ang mga kandidata na aabot sa mahigit 90.

Mahigit dalawang dekada rin ang hinintay ng Pilipinas na dito muling ganapin ang Miss Universe sa ikatlong pagkakataon. Una noong 1974 at pa­nga­l­awa noong 1994.

Masayang-masaya ang reigning Filipina Miss Universe na si Pia Wurtzbach na dito sa Pilipi­nas gaganapin ang pagsalin niya ng korona. Isa rin si Pia sa mga prime mover sa ga­ga­naping 2016 Miss Universe at siya’y personal na bumisita kay Pa­­ngulong Rodrigo “Digong” Du­terte sa Malacañang kasama ang mga pinu­ no ng Miss Universe.

Napag-alaman din namin na ang Solar Entertainment ni G. Wilson Tieng umano ang si­yang nakakuha ng TV rights ng 2016 Miss Universe at ito umano ang makikipag-alyansa sa iba’t ibang local major channels tulad ng ABS-CBN, GMA at TV5 na magpapalabas ng Miss Universe sa Pilipinas tulad ng ginawa niya sa huling laban ni Sen. Manny Pacquiao.

Dating asawa ni Almira Muhlach nakakulong uli

Matagal nang hiwalay ang mag-asawang Paul “Bong” Alvarez at nakababatang kapatid ni Aga Muhlach na si Almira Muhlach at dahil umano sa bisyo ng dating PBA player ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Nitong linggo, October 2 ay na-detain ang dating cager dahil sa pambubugbog daw nito sa isang nag­ngangalang John Mendoza sa loob ng isang bar sa Quezon City.  Kasama umano ni Bong ang kanyang live-in partner nang mangyari ang pambubugbog.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa gulo si Bong Alvarez.  May pagkakataon pang kinasuhan din siya ng physical injury ng dating PBB housemate at dating beauty queen-TV reporter na si Gretchen Malalad ganundin ng isang taxi driver noong 2007.

Dalawang taong bunso ni Chavit, gustong mag-showbiz

Ang cute ng bunsong anak ni G. Chavit Singson, ang two-year-old na si Rhian Louis Singson sa current girlfriend nitong si Jazz Carreon.

Kahit dalawang taong-gulang pa lamang si Yan-Yan (palayaw ng bata), ay napaka-bibo na nito at gusto raw niyang mag-artista. Biniro pa namin si Gov. Chavit at Jazz na ima-manage ko si Yan-Yan pagtungtong nito ng three at sumang-ayon naman ang dalawa.

Samantala, tuwang-tuwa ang mga taga-Asahi TV (Japan) sa pagiging warm and accommodating ng dating gobernador ng Ilocos Sur na si G. Chavit Singson during the entire shoot ng grupo sa Ba­luarte at sa Vigan kasama ang promiment businessman-politician.

Ang Asahi TV (Japan) ay gumagawa ng documentary ng mga famous perso­nality (rich and famous) ng bawat bansa at kanilang siningle-out ang dating gobernador na si G. Chavit Singson mula sa Pilipinas.

Na-amaze rin sila sa Buluarte at sa Heritage Park (Calle Crisologo), sa kalesa ride at iba pa.

Sumunod din sa Vigan ang isang Japanese actress.

Joseph Bitangcol certified daddy na

Noong July 30, 2016 lamang ikinasal ang dating Kapamilya actor na si Joseph Bitangcol sa kanyang non-showbiz wife na si Frencheska Tonson pero nitong nakaraang September 30, 2016 ay isinilang ng huli ang kanilang first born ng kanyang mister.

Baby girl ang first baby nina Joseph at Frencheska na kanilang pinangalanang Emmanuelle Sky Bitangcol.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with