^

PSN Showbiz

Heart kanyang-kanya ang ipinatayong bahay, ipinangalandakang makikitira lang si Sen. Chiz! Ryan walang sinasanto ‘pag anak ang inaagrabyado

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang laking tulong ng solid na suporta ng AlDub fans sa Encantadia kaya tuluy-tuloy ang pagtaas ng rating nito. Magmula nang pumasok si Alden Richards bilang si Lakan sa telefantasya ng GMA-7, tumaas ang rating nito at ang dami nang sumusu­baybay sa telefantasya. Pumantay agad siya sa ra­ting ng katapat na Ang Probinsyano.

Kahit ang Alyas Robin Hood nga ay lalong tumaas ang rating.

PAK: Hindi na rin makapagpigil ang mga celebrities ngayon. Pumapatol na sila sa mga basher na sobra kung manlait sa kanila.

Si Ryan Agoncilo na tahimik lang at hindi naman mahilig pumatol sa ilang nanlalait sa kanya, ay nagbabanta sa ilang nanlalait sa anak nila ni Judy Ann Santos.

Marami ang sumuporta sa kanya. Pero karamihan ay nagtatanong kung bakit hindi na nila napapanood si Ryan sa Eat Bulaga. Nilinaw naman sa amin ng manager niyang si Noel Ferrer na bukas ay mapapanood na sa Eat Bulaga si Ryan. Tinapos lang daw nito ang taping ng buong season ng isa pang progra­mang Cash Cab na napapanood sa AXN.

BOOM: Tantiya ni Heart Evangelista na bago siya mag-birthday sa susunod na taon ay puwede na silang lumipat sa bagong bahay na ipinatayo niya sa Quezon City.

Nilinaw ng Kapuso actress na kanya raw ang bahay dahil ipinatayo niya ito bago pa sila ikasal ni Sen. Chiz Escudero. Bilang may pre-nuptial agreement sila, kanya ang nasabing bahay at natatawa nga siyang sinabi sa amin na makikitira lang sa kanya ang asawa.

Sabi ni Heart, mas okay daw ang set-up nilang mag-asawa na may kanya-kanyang investment at hindi nila ito pinapakialaman. Itinuturing niyang modern family sila kung saan hindi sila nagpapakialaman ng kinikita. “I think it’s good for us. I think it’s important to have it all na parang lay it down on the table. So you don’t fight and talk about money. It’s not nice to talk about money. ‘Yun na lang, kung ano ang nasa kanya, sa kanya, ang sa akin, sa akin. I think it would be good for us,” pahayag ni Heart sa contract-signing niya sa Viva Films kung saan nag-renew siya ng another two years na magha-handle ng mga endorsement niya at movies.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with