^

PSN Showbiz

?Dahil sa asawa Melai ?mali ang napasukang propesyon!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Iisa lamang ang solusyon para mapangatawanan ng Pinoy Big Brother (PBB) grand winner na si Melai Cantiveros ang marriage nila ni Jason Francisco. Since ang sobrang pagiging seloso ng isa ring naging housesemate ni Big Brother, dapat siguro ay iwan na ni Melai ang kanyang pag-aartista at mag-iba na lamang ng trabaho. Maski na ang role ng pinaka-simpleng kontrabida  o komed­yante sa anumang pelikula o teleserye ay nagdi-demand ng mga pisikal na eksena sa mga artista na hindi lamang limitado sa paghahawakan ng kamay, pagyayakap o kahit na paghahalikan. Dapat ay bukas ang isip ni Jason sa magiging trabaho ng asawa nang payagan niya itong mag-artista.

Hindi nakapagtataka kung ipaglaban man ni Melai ang kanyang trabaho na nagbibigay sa kanyang pamilya ng magandang buhay. Hindi man niya ka­sing suwerte si Jason sa pagdating ng offers, ito ay kaila­ngan niyang samantalahin. Pero kung ang pag-aartista niya ang siya namang sisira sa kanyang marriage, may choice pa ba siya kundi ang iwan ito? Ito at ang pag-asang magbabago ang pagtanggap ni Jason sa kanyang trabaho na sa paniwala ng lahat ay mahirap nang mangyari dahil nasabi na nito ang kanyang opinyon sa lahat ng kaganapan sa kanilang mag-asawa. Tsk. Tsk. Tsk.

Nonoy balik sa pagdo-doktor sa Amerika

Sa Amerika na pala naka-base ang singer na si Nonoy Zuñiga. Umuuwi lamang ito sa bansa kapag may dapat gampanang commitment. Bukod sa natanguan niyang commitment sa pagkanta, gumawa rin ng single ang singer na isa ring doktor kaya hindi madedehado sa ibang bansa. Nagawa rin ni Nonoy na mag-endorso ng isang skin product na gamit niya at ipinagagamit din sa kanyang mga pas­yente na may problema sa kanilang balat at sa kulay nito.

Ikaw Na Lang ang titulo ng digital single ni Nonoy na mapakikinggan sa Spotify at iTunes.

Alden pilit isinasalba si Maine

Mahirap din ‘yung gawain ni Alden Richards na balansehin ang kanyang sarili para hindi kagalitan ng AlDub followers at maging ng sarili niyang mga umiidolo sa kanya, lalo na ng press. Sa nagaganap na kagalitan sa pagitan ng media at ng ka-loveteam niyang si Maine Mendoza, wala siyang makahiligan dahil kapag ginawa niya ito ay mapapasama naman siya sa dalawang panig.

Hindi naman siya puwedeng manahimik na lamang dahil mapupulaan din siya. Ang naisip na lamang niya na gawin ay ipagtanggol ang ka-loveteam at maging ang kanyang sarili. Dahil dito ay nagagalit ang mga tagasubaybay ni Yaya Dub sa kanya.

Eat Bulaga ?studio dadalhin na sa Cainta

Nakakatakot naman talagang tapatan ang Eat Bulaga. Mabuti na lamang at unti-unti nang naba­bawi ng kalaban nilang programa ngayon ang ka­nilang condfidence at pagtitiwala sa kabuuan ng kanilang programa. Sa kabila ng pag-ere ng 37 taon ng EB na kung saan ay naikot na nila ang mga major TV network at nabigyan ng malakas na kumpetis­yon ng mga itinapat sa kanilang programa, patuloy sa pag-arangkada ang EB na nagsimula lamang kina Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon, pero na­dag­dagan na nina Jimmy Santos, Ruby Rod­riguez, Ryan Agoncillo, Anjo Yllana, Michael V., Pia Guanio at marami pang iba, ay patuloy ang prog­rama sa kanilang matagumpay na pag-usad.

Soon, mapapanood na ang programa ng live sa isang mas malaking lugar o istudyo sa Cainta, Rizal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with