^

PSN Showbiz

Love affair ng tatay ni Coleen at Karla naunsyami

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mukhang malabo maging totoo ang “loveteam” sa totoong buhay ng singer-actress-TV host na si Karla Estrada sa ama ng young star na si Coleen Garcia na si Jose Garcia dahil may nobyo si Karla, ang negos­yanteng si Mark Yatco.

Ewan lang din kung secure si Mark sa pagmamahal ni Karla ngayong dumating sa buhay ng singer-actress-TV host ang ama ni Coleen.

Ayon na rin ay Karla, kung may kinikilig sa “loveteam” nila ni Jose ito’y para sa fans lang.

Ultimo si Coleen ay aprub sa tambalan nina Karla at ng dad niya lalupa’t matagal na umanong walang karelasyon ang kanyang ama magmula nang ito’y mahiwalay sa ina ni Coleen since she was a kid.

Sa parte naman ng apat na anak ni Karla, masaya sila kapag nakita nilang masaya ang kanilang ina.

Samantala, hindi umano nai-insecure si Karla at mga kasamahan niya sa kanilang daily morning show na Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa balitang malapit nang bumalik sa TV ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ex ni Jerome Ponce, in love sa ka-housemate

Mukhang may namumuong loveteam sa loob ng bahay ni Kuya sa Vietnam sa pagitan ng dalawang housemates na sina Elisse Joson at McCoy de Leon.

May tatlong letrang “J” ang nagkaroon ng ugnayan kay Elisse bago pa man sila pumasok sa PBB house (Vietnam) at mukhang isa rito ay si Jerome Ponce na siyang iniyakan ni Elisse.

Inamin ni Elisse kay Kuya na naaalala niya kay McCoy si “J’” at si McCoy naman ay nagtapat sa kanyang mga kasamahan na pinipigilan niya ang kanyang sarili kay Elisse dahil ayaw niyang makasakit ng tao laluna sa kanilang paglabas sa Bahay ni Kuya. Pero mukhang hindi ito mapapangatawanan ni McCoy na halatang-halatang may gusto kay Elisse.

Mahusay makisama...

Isa ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa pinaka-well-loved dahil sa husay nitong makisama hindi lamang sa kanyang fans kundi lalo na sa entertainment media na katuwang niya sa simula pa lamang ng kanyang pagpasok sa showbiz hanggang ngayon na sikat na sikat na siya.

Dahil sa sobra-sobrang blessings na patuloy na dumarating kay Alden, nagpatawag siya ng thanksgiving get-together with the entertainment media last Tuesday afternoon na ginanap sa Le Reve Pool and Events Place in Quezon City.

“Malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil wala ako rito nga­yon kung hindi rin dahil sa inyo at sa mga fans na hindi nagkakait ng suporta hanggang ngayon,” pahabol ni Alden.

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ni Alden, napaka-grounded pa rin niya hanggang ngayon at marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong at patuloy na tumutulong sa kanya hanggang ngayon.

Nagpasalamat din si Alden sa malaking tagumpay ng movie nila ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza, ang Imagine You & Me na patuloy pa ring palabas sa mga sinehan hanggang ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with