^

PSN Showbiz

Kasal sa dating asawa ni AiAi, wala nang bisa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Napawalang-bisa na ang kasal ni AiAi delas Alas at ng kanyang ex-husband na hindi ko na babanggitin ang pangalan dahil baka sumikat pa.

Ikinasal ang dalawa sa Las Vegas noong April 2013 pero naghiwalay rin sila makalipas ang isang buwan dahil sa irreconcilable differences.

Sa madaling-salita, single na uli si AiAi kaya eligible na siya na magpakasal sa mhin na gusto niya na makasama ng forever.

May plano si AiAi at ang kanyang current boyfriend na si Gerald Sibayan na magpakasal. Ewan ko lang kung mangyayari ang pagpapakasal nila sa susunod na taon.

Malaki ang agwat ng mga edad nina AiAi at Gerald pero compatible sila sa lahat ng bagay, isang pruweba na age doesn’t matter sa dalawang tao na nagmamahalan at nagkakaintindihan.

Mga bida ng Encantadia masigasig sa promo

Masipag pa rin sa pagpo-promote ng Encantadia ang mga artista nito kahit umere na  noong July 18 ang telefantasya ng GMA-7.

Umapir kahapon sina Rocco Nacino at John Arcilla sa Sunday PinaSaya para i-remind sa lahat na panoorin ang Encantadia dahil malapit nang lumabas ang mga adult Sang’gre, sina Kylie Padilla, Glaiza de Castro, Sanya Lopez at Gabbi Garcia.

Pinasalamatan din nina Rocco at John ang mainit na pagtanggap ng televiewers sa Encantadia na trendintg topic mula nang mag-umpisa noong nakaraang Lunes.

Alden natuloy na ang pasasalamat

May surprises na inihanda si Alden Richards sa entertainment press at mangyayari ito sa lalong madaling-panahon.

Naging busy si Alden mula nang sumikat ang loveteam nila ni Maine Mendoza kaya ngayon lamang siya makakapagpasalamat nang personal sa entertainment press na supportive sa career niya.

Maraming dapat ipagpasalamat si Alden, ang sangkatutak na mga product endorsement niya, ang box-office success ng Imagine You & Me at ang kanyang mga pangarap na biglang natupad dahil sa suporta ng press at ng fans.

Bayang napisil na umawit ng National Anthem sa SONA

Big winner sa PhilPop 2016 noong Sabado ang Itchyworms, ang interpreter ng Di Na Muli, ang kanta na komposisyon nina Jazz Nicolas at Wally Acolola.

Ginanap ang PhilPop 2016 sa Kia Theater at napanood ang delayed telecast nito sa TV5.

May nagkuwento sa akin na marami ang na-in love nang kantahin ng Itchyworms ang Di Na Muli kaya talagang naniwala ang mga nanood sa Kia Theater na makukuha nina Nicolas at Acolola ang top prize ng prestigious songwriting contest.

Wala raw umalis sa Kia Theater hanggang hindi sinasabi ng mga host ang mga nanalo at umalingawngaw sa loob ng venue ang malakas na palakpakan at sigawan nang i-announce na winner ang Di Na Muli.

Win din sina Cookie Chua at Bayang Barrios dahil second runner-up winner sa PhilPop 2016 ang Tinatangi, ang kanta ng dalawa na original composition nina Miguel at Paulo Guico.

I’m sure, lalong gaganahan si Bayang Barrios na kantahin ang Philippine National Anthem sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte dahil sa success ng tandem nila ni Cookie Chua.

Si Bayang ang pinili para umawit ng Lupang Hinirang sa kauna-unahang SONA ni Papa Rody na wala pang isang buwan na namumuno bilang pangulo ng Pilipinas pero marami nang nagagawa.

Nagkaroon talaga ng bagong pag-asa ang mga Pilipino na uunlad pa rin ang ating bayan dahil sa sipag at dedikasyon na ipinapakita ni Papa Rody sa kanyang sinumpaan na tungkulin.

Nakakapanibago talaga na hindi sinisisi ni Papa Rody sa mga speech nito ang mga nakaraang administrasyon dahil marunong siya at ang kanyang mga cabinet secretary na umako sa mga pagkakamali na hindi naman nila ginusto na mangyari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with