^

PSN Showbiz

Piolo, Anne, Luis at iba pa, mabilis sumali sa fund raising para kina Richard and Julio

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Siguradong matutuwa sina Richard Merk at Julio Diaz dahil marami silang mga kaibigan sa showbiz na dumating sa ginanap na Labor Alay na ginawa para makalikom ng pera para sa emergency medical assistance. Dalawa sina Richard at Julio sa matutulungan ng Damay Kamay Foundation.

Kabilang sa performers sina Martin Nievera, Aiza Seguerra, Iñigo at Piolo Pascual, Giselle Sanchez, Ricky Davao at marami pang iba. Nagsisi siguro ang fans ni Piolo na hindi nagpunta sa Labor Alay concert last Sunday para makita ang kanilang idolo na kumanta.

May pa-auction pa ang gru­po na gamit ng celebrities at ka­bilang sa nag-donate sina Anne Curtis, Billy Craw­ford, Vhong Navarro, Luis Manzano at marami pang iba. May for sale rin na paintings nina Vicente Manan­sala, Crisanto Aquino, at Bencab.

Kiko nagpaalam na sa mga magulang ni Barbie

Nakausap namin si Kiko Estra­da sa presscon ng dIYOS-DI­YO­SAn at kinumpirma nito ang hinala naming break na sila ni Kim Rodriguez dahil nag-delete siya sa Instaram (IG) ng pictures nila.

Sabi ni Kiko, three months na silang break ni Kim at sila ang na-blind item naming nag-break dahil sa Viber mobile app. Gusto ni Kim na mag-download siya ng nasabing mobile application na hindi niya nagawa dahil sira ang iPhone niya that time. Bukod doon, may mga conflict na sila at ang Viber issue ang last na kanilang pinag-awayan.

Three years ding nagtagal ang kanilang relasyon na hindi nila maamin-amin.

In the same interview, inamin ni Kiko na niligawan niya si Barbie Forteza two months ago.

Hindi man sila ang nagkatuluyan sa show, malay natin ay maging sila for real at si Kiko ang maging first BF ni Barbie? Nagpaalam si Kiko sa parents ni Barbie kaya siguro nakapag-date silang dalawa. Nakita silang kumakain sa Boxpark sa Quezon City at ibig sabihin ay hindi nila itinatago na nagdi-date sila.

Sa tanong namin kay Kiko na baka magalit si Kim kay Barbie, ang sabi ng binata, wala na sila ni Kim nang ligawan niya si Barbie. Kaya niya gusto si Barbie ay dahil wala itong arte at maganda ito.

Anyway, masaya si Kiko na mapasama sa cast ng dIYOS-DI­YOSAN na showing sa May 4.

Raymart certified piloto na rin

Nakakabilib si Raymart Santiago dahil nakakapag-pilot na siya ng Cessna 172 at dapat lang na kanyang ipagmalaki at i-post sa IG. Post ni Raymart, “Landing a Cessna 172...feels like the real thing” at saka nag-thumbs up.

At least kahit nahiwalay man sa asawa si Raymart ay hindi ito na-link kung kani-kaninong babae. At ‘yung na-link sa kanya si Bettina Carlos ay hindi pa totoo at gawa-gawa lang ng fans na may galit sa kanya.

Iya tuloy ang workout

Marami na naman ang nag-react nang mapanood ang video ni Iya Villania na nagwu-workout kahit buntis ito. Kahit pa sinabi ni Iya na safe for preggy like her ang mag-workout, marami pa rin ang hindi pabor sa ginagawa niya at pinapayuhan siyang tumigil na at baka raw maapektuhan ang baby na kanyang ipinagbubuntis.

May konting baby bump na si Iya, pero hindi pa rin halata ‘pag nagho-host siya ng Lip Sync Battle at Chika Minute segment ng 24 Oras. Puwede pa nga siyang makipag-love team kay Rafael Ro­sell sa Because Of You and in fairness, bagay ang dalawa.

Anyway, last two weeks na lang ang Because Of You.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with