^

PSN Showbiz

Boobay tagapagmana ng mga sapatos ni Marian

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ang presscon ng Yan Ang Morning! sa 17th floor ng GMA Network Center pero hindi na ako nakapunta dahil sa taping namin para sa CelebriTV

Bagong morning show ng GMA 7 ang Yan Ang Morning! at host nito si Marian Rivera na excited sa pagsisimula ng programa na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

Co-host ni Marian si Boobay na guest din namin kahapon sa CelebriTV.

Very close si Boobay kay Marian na tinawag niya na isang mabait, madasalin, at generous na kaibigan.

Pareho ang size ng mga paa ng dalawa kaya si Boobay ang recipient ng ilan sa mga sosyal na sapatos ni Marian. Ang sey ni Boobay, hanggang ngayon, hindi pa rin niya memorized ang spelling ng French luxury footwear na Christian Louboutin na ipinamana sa kanya ni Marian.

Bong request na makaboto sa darating na halalan

Hiniling ni Senator Bong Revilla, Jr. sa Sandiganbayan na payagan siya na lumabas mula sa PNP Custodial Center sa May 9 para magamit niya ang kanyang karapatan na bumoto.

Hanggang kahapon, naghihintay si Bong sa desisyon ng Sandiganbayan.

Umaasa si Bong na papayagan ng Sandiganbayan ang appeal niya dahil hindi naman siya convicted sa kaso na ibinibintang laban sa kanya.

May idea na ako sa presidentiable na ihahalal ni Bong pero my lips are sealed. Kung may dapat magsabi sa madlang-bayan ng iboboto ni Bong na pangulo ng bansa, siya lamang at wala nang iba.

Landian nina James at Nadine nahuli ni Donnalyn

Kasama sa cast ng This Time ang singer-actress na si Donnalyn Bartolome.

Si Donnalyn ang kumanta ng surprise hit song na Happy Break Up. Hindi nawawalan si Donnalyn ng mga movie project sa Viva Films dahil contract star siya ng Viva Artists Agency.

Si Donnalyn ang naglabas ng litrato nina James Reid at Nadine Lustre sa set ng This Time.

Plano lang ni Donnalyn na mag-wacky selfie sila ni Issa Pressman pero hindi nila inakala na mahahagip ng cellphone camera ang sweet moment nina James at Nadine sa backseat ng van.

Kuha ang litrato sa isang eksena para sa This Time sa kahabaan ng TPLEX. Ito ang eksena na nakasakay sa van sina James at Nadine, kasama ang kanilang mga kaibigan habang papunta sila sa Baguio City.

Tuwang-tuwa ang JaDine fans kay Donnalyn dahil may-I-share nito ang litrato na nagpakilig sa kanilang lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with