^

PSN Showbiz

Samantalang nanggaling lang sa tenement bago nag-showbiz Michael V nakabili na rin ng bahay sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Not everybody knows na ang sikat na rapper-turned comedian na si Michael V. ay nagsimula sa isang rapper segment contest ng Eat Bulaga na may kinalaman sa isang brand ng sabon.

Nagla-lunch kami noon ni Boss Orly Ilacad sa dating canteen ng OctoArts building sa may Panay Avenue in Quezon City nang mapanood namin sa Eat Bulaga si Michael V. (Beethoven del Valle Bunagan in real life) kasama ang isang unknown lady rapper who was later named as Lady Diane. That was sometime in 1990.

Boss Orly asked me to contact Michael V. at sa tulong ng Eat  Bulaga talent coordinator noon na si Mark Gustilo, napapunta namin sa OctoArts office si Michael V. ganoon din ang kanyang lady rapper-partner.

Ang OctoArts big boss ang nagbigay ng break kay Michael V. at maging kay Lady Diane at siya rin ang nagbigay ng kanilang screen name ng dalawa. Kainitan noon ng pop legend na si Michael Jackson na isa sa mga hinahangaan ni Michael V. at ang V naman ay ipinalit sa initial ng kanyang family name na Bunagan plus the fact na hinahangaan din niya si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano, thus Michael V. Ang lady rapper naman ay binigyan ng screen name na Lady Diane dahil sikat na sikat din noon ang  namayapang ex-wife ni Prince Charles.

Ang the rest is history.

After more than two decades ay patuloy pa rin ang pamamayagpag ni Michael V. sa telebisyon at maging as celebrity endorser ng iba’t ibang produkto. At siyempre nakagawa rin siya ng maraming pelikula.

Ongoing pa rin ang kanyang long-running gag show na Bubble Gang at maging ang kanyang weekly sitcom na Pepito Manaloto na parehong consistent top-raters. Kabilang din siya sa pamilya ng Eat Bulaga.

Naalaala pa namin noon ang simpleng pinagmulan ni Michael V. na nakatira pa sa isang tenement (low housing) sa Sta. Ana Manila at ka-lugar niya ang yumaong komedyanteng si Rene Requiestas na lumaki rin ang pangalan bago ito namayapa.

Nang gumanda na ang takbo ng career ni Michael V., una niyang ipinagpatayo ng bahay ang kanyang mga magulang sa Cavite bago ang sarili niyang bahay at bago rin siya nag-asawa at nagkaroon ng mga anak.

Stable at maganda na ang takbo ng buhay  ngayon ni Michael V. at ng kanyang pamilya na balita namin ay may nabili na ring bahay sa Amerika.

Sana isadula ng Magpakailanman ni Mel Tiangco ang buhay ni Michael V. dahil isa itong inspirational story na kapupulutan ng aral lalo na sa mga kabataan na nag-a-aspire na mapabilang sa mundo ng showbiz.

Samantala, bukod sa Bubble Gang at Pepito Manaloto si Michael V. ay may bagong show sa GMA, ang Lip Sync Battle Philippines na kapalit ng Celebrity Bluff ni Eugene Domingo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with