^

PSN Showbiz

Mel Tiangco tisay na tisay ang hitsura sa make up, Richard nagsosolong napili sa Panday

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Lumikha kahapon ng matinding trapik sa Quiapo ang star-studded proclamation rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda. Isinara ang south bound road ng Quezon Boulevard kaya iniwasan ito ng mga motorista.

SCENE: Tawang-tawa si Edu Manzano sa “Boat For Edu” banner na ginawa ng mga kababayan niya sa kanyang beach resort sa Batangas.

SEEN: Si Richard Gutierrez ang one and only choice ng mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa para magbida sa television remake ng Ang Panday.

SCENE: Mga host ng Lip Sync Battle Philippines ng GMA 7 sina Michael V. at Iya Villania. Sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang special guests sa pilot telecast ng Lip Sync Battle Philippines sa February 27.

SEEN: Masyadong maputi ang mukha ni Mel Tiangco sa interbyu niya kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa episode ng Wanted President noong Linggo. Kailangan ni Mel ng isang magaling na make up artist.

SCENE: Kinumpirma ni Bangs Garcia na ikakasal siya sa kanyang Briton boyfriend sa January 2017 at magaganap ito sa Boracay.

SEEN: Sinuportahan kahapon nina AiAi delas Alas at Senator Juan Ponce Enrile ang kick off rally ng UNA party sa Mandaluyong City at ng tandem nina Vice President Jojo Binay at Senator Gringo Honasan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with