^

PSN Showbiz

Kili-kili ni Sarah bentang-benta sa mga nagdusa sa EDSA

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bentang-benta ang mga billboard kahapon sa EDSA. Ito ay dahil sa mala-hell na traffic na naman sa dating Highway 54.

Wala kasing choice ang mga na-trap dahil sa celebration ng 29th anniversary ng People Power Revolution. Umaga pa lang ay isinara na ang EDSA. Eh hindi lahat ay nabasa o narinig ang abiso ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na isasara ang ilang bahagi ng EDSA kaya literal na nagdusa ang mga bumiyahe doon kahapon.

Kaya naman dahil walang magawa ang mga nagmamaneho at mga pasahero na rin, ayon tinungangaan nila ang mga billboard na nakahilera.

At ang isa sa pinakapatok ang kili-kili ni Sarah Geronimo na nasa billboard ng kanyang ini-endorsong deodorant.

In fact may isa pa akong friend na nagpadala ng nasabing photo ni Sarah dahil dalawang oras daw niyang natitigan ang kili-kili ng pop superstar. Buti na lang daw at maputi ito kaya hindi naman siya nagsawa.

Hahaha. Kaloka talaga ang traffic. Kailangan talagang aliwin mo na lang ang sarili or else malolokah ka.

Kaya ang mantra ko, ‘enjoy the traffic’ dahil araw-araw naman talaga, traffic sa maraming lugar sa Metro Manila kahit pa Sabado’t Linggo.

Kaye at Erich natulungan ng pag-aagawan sa lalaki

Nalalapit na ang pagtatapos ng kwento ng pagtataksil na Two Wives.

Pero hindi pa man tapos ang pagtutuos nina Yvonne at Janine ay nakakaramdam na agad ng halu-halong emosyon ang mga bida nitong sina Kaye Abad at Erich Gonzales.

“Malungkot siyempre kasi matatapos na at mami-miss ko ‘yung mga katrabaho ko pati na ang character ni Yvonne,” sabi ni Kaye.

“Malungkot din pero masaya na matatapos ang show na happy ang management sa outcome at talagang sinuportahan ito ng mga manonood,” sabi naman ni Erich.

Naibahagi rin nila kung gaano kaespesyal sa kanila ang serye. Para kay Kaye, espesyal ito dahil ngayon lang siya mu­ling bumida sa sarili niyang serye kaya naman itinuturing niya ang project bilang isang malaking break sa kanyang career.

“Sobrang laking risk din ng management siguro para ibigay sa akin ang project na ‘to!” pabirong dagdag ni Kaye.

Espesyal din naman kay Erich ang Two Wives  dahil ngayon lang siya gumanap na bida-kontrabida sa telebisyon.

“First time ko sa role na bida-kontrabida. Tinanggap ko naman ito dahil gusto ko maiba naman. Ayoko kasi ng roles na paulit-ulit lang. So ayun, ang daming affected kay Janine. Dito ko na-realize na mahirap talaga ‘yung ganitong roles kasi ‘yung ibang tao nadadala sila sa takbo ng story at akala nila totohanan na,” pagbabahagi ni Erich.

Kaya nga raw nakakatanggap siya ng katakut-takot na pagbabanta. “Dumating ako sa point na ‘yung Instagram ko po ngayon, naka-private na kasi nakaka-receive ako ng mga threats, minumura ako, hindi na si Janine ang tinatawag nila kundi si Erich, so parang...

“Although I understand na nadadala ang mga tao sa kwento, akala nila totoong buhay na ‘yun, pero I find it disturbing na may mga threat or pagmumura na. Kasi siyempre artista ka, hindi nila naiintindihan na ginagampanan lang nila ‘yung role, and ‘yun, parang ano lang, hindi nila ma-separate siguro,” sabi ni Erich.

 “Sana, maintindihan nila na kahit ako mismo sa sarili ko, hindi ko gusto ‘yung script or ‘yung lines na ginagawa ni Janine but siyempre it’s my job, kailangan kong ga­wing makatotohanan ‘yung role ko,” dagdag ng aktres na sobra ang ginagawang pagpapahirap kay Yvonne (Kaye) at (Victor) Jason Abalos bilang paghihiganti.

Sa loob ng ilang buwan ay gabi-gabing pinagsasabong ng publiko sina Yvonne at Janine kasama ang mga lalaki sa buhay nila na sina Victor (Jason Abalos), Albert (Patrick Garcia), Dale (Rayver Cruz), at Kenjie (Daniel Matsunaga).

Rayver nagsalita na sa totoong relasyon nila ni Julia

Speaking of Rayver, itinanggi nga pala nito na may MU (mutual understanding) sila ni Julia Barretto.

Ang say kahapon ni Rayver sa presscon ng Two Wives, super close lang siya sa Barrettos. At second family ang turing niya sa pamilya ng young actress na itinakwil ang ama.

“Sa ngayon tigilan n’yo na si Julia. Hindi kami exclusively dating. Parang nakakatawa lang kasi sobrang close ako sa kanila, nakakahiya naman sa kanila huwag na nating ipilit,” sabi ng aktor kahapon sa interview.

In the first place hindi raw niya alam kung nage-entertain ng manliligaw si Julia sa kasalukuyan.

Nagsimula raw ang closeness nila nang magkasama silang magkaroon ng show sa London.

Ama ng anak ni Erich sa Two Wives ang role ng aktor na hindi pa nagkaka-girlfriend after ng relasyon kina Sarah and Cristine Reyes.  

vuukle comment

ERICH

JANINE

LANG

NAMAN

NILA

TWO WIVES

YVONNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with