^

PSN Showbiz

Kahit matumal ang kita bagitong personality nagka-mansiyon at magarang sasakyan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May isang baguhang young personality na kahit hindi naman bumibili ng ticket ay parang nanalo sa lotto dahil sa biglang paggarbo ng kanyang pamumuhay.

Ipinagtataka ng kanyang mga kasabayan at ng mga nakakakilala sa pamilya ng bagitong young personality kung bakit bigla siyang nagkaroon ng house and lot sa isang probinsiya sa Norte.

Parang mansiyon sa laki ang bahay, malawak ang kanilang garden, balita pang bibilhin din nila ang mga bakanteng lote sa kanilang lugar.

Bakit at paano naging ganu’n ang kabuhayan showcase ng bagitong young personality, samantalang hindi naman siya nanalo ng house and lot sa isang reality show na sinalihan niya, agad nga siyang natanggal dahil sa pagkakaisa ng kanyang mga kasamahan?

Napakabilis ng kanyang pag-unlad, pati ang mga kagamitan niya ngayon ay puro branded, parang kumikita na siya nang milyones sa pag-arte samantalang palagi lang naman siyang kaibigan ng bida sa mga nilalabasan niyang serye?

May magara na ring sasakyan ngayon ang young personality, may mga kuwentong pabulong na kumakalat na regalo ‘yun sa kanya ng isang milyonaryong negosyanteng nakilala niya kailan lang, nagkita lang sila pero may kotse na agad-agad?

Isang malaking palaisipan talaga ngayon para sa kanyang mga kasamahan ang napakabilis niyang pag-unlad. Komento ng isang source ay mukhang hindi husay sa pag-arte kundi kagandahan ang puhunan ng young personality sa napakabilis niyang pagyaman.

May mga tao talagang hindi naman bumibili ng ticket pero mas matindi pa kesa sa nanalo sa lotto ang nagiging kapalaran.

Ubos!

Nanghihinayang na mabawasan ang kanilang kita Toni ayaw pang pakawalan ng mga magulang kaya hindi pa mapakasalan si Direk Paul?!

Hindi na malaking isyu kung tutuusin kung totoo mang namanhikan na ang pamilya ni Direk Paul Soriano para hingin ang mga kamay ni Toni Gonzaga sa kanyang mga magulang.

July ng taong 2007 pa sila naging magkarelasyon, pitong taon at kalahati na silang nagmamahalan, mahabang panahon na ‘yun para malaman nila kung para nga sila sa isa’t isa.

Hindi na rin bumabata si Toni, siguradong pinag-uusapan na nila ni Direk Paul kung ilan ang gusto nilang maging anak, kaya kung hindi pa sila magpapakasal sa mga panahong ito at ilang taon pa mula ngayon ay baka mapag-iwanan na sila.

May nakarating na kuwento sa amin na nu’n pa gustong magpakasal ng dalawa, pero kumontra ang mga magulang ni Toni, dahil marami pa siyang pangakong kailangang tuparin para sa kanyang pamilya.

Marunong humawak ng pananalapi ang mga magulang nila ni Alex, may building na silang naipatayo at maraming lote na rin sa kanilang subdivision sa Taytay ang nabili nila, ‘yun siguro ang dahilan kung bakit ayaw pa siyang pag-asawahin ng kanilang mga magulang.

Pero nasa tamang edad na ang singer-actress, panahon na para magkaroon na siya ng sariling pamilya. Hindi naman puwedeng habampanahon na ang obligasyon niya sa kanyang pamilya ang palagi niyang prayoridad.

Kayang-kaya siyang buhayin ni Direk Paul, puwede silang magkatulungan, kaya hinog na ang panahon para bumuo sila ng sarili nilang mundo.

Tao si Toni Gonzaga. Hindi siya makina.

vuukle comment

DIREK PAUL

DIREK PAUL SORIANO

KANYANG

KUNG

PARA

TONI

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with