^

PSN Showbiz

Nag-beso pa raw Carla itinangging nag-isnaban sila ni Marian

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagsimula nang maglabasan sa social media ang trailer ng mga entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Malaking bagay ang pagsisimula ng promo sa social media kaya doon na muna sila naglabas ng trailer.

So far, ang naaliw kami nang husto ay ang English Only, Please nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay. Nakaaaliw na love story na malamang matataypan ng mga yuppies at mga professionals, kaya baka magkakaroon ito ng staying power sa box-office.

Kakaiba ito sa mga typical pang-MMFF na pambata, kaya mukhang may sariling audience ang naturang pelikula na idinirek ni Dan Villegas.

PAK: Katatapos lang ng bridal shower ni Marian Rivera sa Singapore at meron kaagad kasunod na inaayos na isa pang bridal shower sa Linggo na inu-organize naman ni Celia Rodriguez. Mga katrabaho at mga kaibigan sa showbiz pa rin ang inimbita at mukhang kinarir ito ni Manay Celia.

Hindi pa raw alam kung meron pang kasunod dahil ang gusto sana ng mga close friends ni Marian ay ma-enjoy nang husto ng GMA Primetime Queen ang ilang araw na natitira na single siya.

BOOM: Itinatanggi ni Carla Abellana ang napabalitang hindi sila nagkabatian ni Marian sa taping ng Ismol Family.

Guest si Marian sa isang special episode ng naturang sitcom ng GMA-7, at kumalat ang intrigang hindi raw nagkabatian ang dalawa.

Sabi ni Carla sa presscon ng Shake, Rattle and Roll 15, “Nagbatian kami. As soon she arrived, nagbeso ganyan, winelcome namin sa Ismol Family.

“Wala lang kaming eksena together. Pagdating niya sa set, nagbatian kaming lahat.”

Sinundan namin ng tanong kung naimbitahan ba siya sa isa sa mga bridal showers ni Marian. Wala naman daw problema kung sakaling maimbitahan siya.

“Naka-apat o limang bridal shower na ba? Pero wala pa akong napunta­hang bridal shower, kundi ‘yung sa ka­patid ko pa lang,” say pa ni Carla.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

CELIA RODRIGUEZ

DAN VILLEGAS

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

ISMOL FAMILY

JENNYLYN MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with