^

PSN Showbiz

Pinay na si Marlisa Punzalan kinabog ang mga kalaban, pinakabatang grand winner ng X Factor Australia

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Wow. Kinabog ng Pinay na si Marlisa Punzalan ang mga kalaban sa katatapos na X Factor Australia.

Yup, si Marlisa ang tinanghal na grand winner ng talent search sa Australia. Ang Irish singer na si Ronan Keating, dating member ng grupong Boyzone ang mentor sa programa ng Pinay teener na pinabilib ang Australians sa kakaibang husay niya sa biritan.

Pinataob niya ang mga kalabang sina Dean Ray and Brothers 3. “What an amazing GRAND FINALE!!!! THANK YOU SO MUCH for everything!!! Loved every bit of my incre­dible journey and you are all with me in this,” sabi ni Marliza sa kanyang Instagram account pagkatapos niyang tanghaling grand winner.

Tumanggap ng standing ovation si Marlisa nang kantahin niya ang Yesterday ng Beatles na isa sa tatlong kanta niya sa grand finale. Ang dalawa pa ay ang Stand By You and Never Be The Same.

Si Marlisa ang nag-iisang Pinoy sa finals sa nasabing ta­lent contest. May sumali raw isang grupo ng mga Pinoy, pero maagang natsugi sa contest.

Kasama naman sa nag-perform sa finals sina Mauboy, Guy Sebastian at Taylor Swift.

Wala pang sinasabi si Marlisa kung uuwi siya ng bansa.

Nauna nang nanalo sa X Factor Israel ang Pinay DH na si Rose Fostanes na kamakailan ay dumating ng bansa para mag-promote ng kanyang album. Wala nang balita kung anong nangyari sa career  ni Rose.

Meg Imperial nahabag ng pandesal boy

Uy hindi pala talaga lahat nang inilalagay sa social media ay totoong-totoo na.

Classic example dito ang Pandesal Boy na nakunan ng video na nanginginig dahil naholdap daw habang nagtitinda ng pandesal sa isang lugar sa  Kalookan ang 12 anyos na bata.

Viral ‘yun sa Internet at talagang kinaawaan ang bata. Ang daming nahabag dahil sa inisip ng karamihan na pati ba naman ang bata na nagbebenta ng pandesal naatim na tutukan ng patalim ng holdaper. Kaya tambak din ang natanggap ni bagets na tulong.

Pinik-up ng mga TV station at mga newspaper. Pinuntahan naman ng mga news program ang bahay ng bata at in fairness consistent ang kuwento pati nanay nito. Tumatakas lang daw ang bata para magtinda para makaipon ng pambili ng bike.

Hanggang kahapon ng umaga, narinig ko sa DZMM and DZBB na ayon daw sa mga pulis na nag-imbestiga, hindi raw totoo ang kuwentong pangho-holdap sa bata.

Ang sabi ng mga pulis, kaya nanginginig ang bata ay dahil sa sobrang takot sa ina sa pagkawala ng kanyang pera. Alam diumano ng bata na bubugbugin na naman siya ng ina kaya tinuruan siyang ‘yun ang sabihin.

Ayon diumano sa mga pulis na nag-imbestiga, hindi consis­tent ang kuwento ng bata. Nang tinatanong daw ito kung saan tumakbo ang nang holdap, iba-ibang direction ang sinasabi nito. Hanggang nadiskubre raw ng mga pulis na madalas diumano itong bugbugin ng ina at hindi raw totoong tumatakas lang ito para matinda ng pandesal dahil apat na taon na raw diumano itong naglalako ng pandesal sa madaling araw ayon naman sa mga kapitbahay ng bata.

Isa pang nakakaalarmang kuwento ay may pagka-wais daw si Boy Pandesal dahil pag iniimbestigahan daw ito ng mga pulis bago magsalita sa nangyari sa kanya, manghihingi muna raw ito ng, halimbawa, PSP at iba-ibang klase ng mamahaling laruan.

Anyway, kasama sa ‘nabiktima’ ng viral video ni bagets na magpapandesal ang sexy actress na si Meg Imperial  na  gumawa raw ng paraan ang fans para makita nito ang nasabing bata. Ayon sa kuwento, tinupad ng fans ng sexy actress ang kagustuhan ni Meg na mabigyan ng kasiyahan at konting tulong ang bata.

Sa grand fans day daw ni Meg sa Room 498, Boni Mandaluyong nu’ng October 19, Sunday ay naging bisita pa raw nito kasama ang nanay at kapatid ng bata.

“Nakakatuwa, nagulat ako kanina pagkakita ko sa kanya pero… masaya kasi napasaya ko siya. Nagpa-participate siya, nakiki-games siya although hindi pa siya masyadong nakikihalubilo  talaga nang todo-todo, nahihiya pa rin nang konti.

“Thankful ako kasi nag-effort nang todo ang Tropang Meg  na hanapin ‘yung bata. At least, natulungan namin sila, nag-enjoy pa sila,” sabi ni Meg ha.

Kahit ang parents daw ng bata ay nagpapasalamat din at akala nila drawing lang ang pag-imbita sa kanila sa grand fans day.

“Akala nila, hindi sila ipapasundo. Pinasundo namin sila. Natuwa naman sila especially ‘yung ate dahil nanonood sila ng Moon of Desire. Isang buong pamilya silang nandito,” dagdag ni Meg sa natanggap kong e-mail kahapon.

Take note, binigyan ni Meg ng Ipad, shoes at baon ang Pandesal Boy. Nangako pa raw ang sexy actress na padadalhan pa niya ng tulong na financial.

“Yes, para may magamit siya sa school kasi grade 5 na raw siya,” pag-amin ni Meg.

Ano ang feeling niya ngayon na nagtagpo sila ng Pandesal Boy?

“Masarap sa pakiramdam kasi malapit ako sa bata. Sobrang mahilig ako sa mga bata. Usually, ang mga tinutulungan ko, mga bata talaga,” sabi pa nito.

Hindi lang si Meg ang taga-showbiz na talagang nag-effort na tulungan ang bata. Maraming iba pang may mabubuting kalooban, pero sadly, hindi pala na-background check na maigi dahil iba ang totoong rason ng kanyang panginginig na ang buong akala ng lahat ay naholdap siya.

Hay nakakalungkot ‘no. Kawawang bata. Poverty pa rin ang dahilan ng kuwento. Hindi naman niya gagawin ‘yun kung hindi siya nakakaranas ng hirap.

 

vuukle comment

BATA

MEG

NANG

PANDESAL

PANDESAL BOY

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with