^

PSN Showbiz

Annabelle naloka sa mga ‘lalaki’ ni Ruffa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ginulat ni Ruffa Gutierrez ang inang si Annabelle Rama sa in-announce sa presscon ng Season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang “I think I’m ready to fall in love, hopefully, this person comes into my life this year.”

Naintriga ang press sa reaction ni Annabelle na six months ago lang ang last relationship ni Ruffa. Dinagdag pa nitong everytime nakikita niya si Ruffa, laging bago raw ang boyfriend nito. Ilang minutes ding nagsagutan ang mag-ina na mas lalong nagpasaya sa presscon. Sabi tuloy ng host ng presscon na si Robi Domingo, the best press launch ‘yun sa rami nang nangyari.

Kundi pa tapos ang Season 2, puwedeng idagdag ang sagutan ng mag-ina o puwedeng isama sa Season 3 dahil sabi ni Mr. Scott Mackenzie, NBC VP for Asia Pacific, puwedeng umabot sa 14 seasons ang It Takes Gutz...

Si Ruffa na rin ang nag-announce na aabot sa 10 episodes ang bagong season ng reality show ng mga Gutierrez, hindi na mabibitin ang viewers. Dagdag ni Annabelle, mas maganda ang new season dahil complete ang team at may international (Karen Wiggins) at local (Ivan) directors na nagdirehe.

Sa October 5, 9:00 pm,., ang pilot ng It Takes Gutz... na Bigger, Better, and Bolder at ang hashtag ay #GutzOnE. Nagpakita ng maiksing teaser at kahit sina Annabelle at Eddie Gutierrez lang ang ipinakita at isa nilang kasambahay, aliw pa rin ang itong panoorin.

Rayver nag-pramis na hindi liligawan si Kylie hangga’t ‘di napapalabas ang Dilim

First time nagtambal sina Rayver Cruz at Kylie Padilla sa horror movie ng Regal Entertainment na Dilim, pero mabilis naging close ang dalawa. Mabuti at break na sina Kylie at Aljur Abrenica at walang GF si Rayver ngayon dahil pagseselosan ang sobrang closeness ‘pag nakita ang dalawa na magkasama.

“Sobrang ganda, sobrang bait, sobrang sweet, maalaga sa co-actors at malambing” ang description ni Ray­ver kay Kylie. Mga katangiang gugustuhin ng isang lalaki na maging nobya, pero sabi ng aktor, friends lang sila sa ngayon ni Kylie at ayaw niyang pangunahan ang mga mangyayari. Nabanggit din nitong ayaw niya ng love on the rebound at ayaw niyang sabihing nagti-take advantage siya.

Siniguro ni Rayver na hanggang matapos ang shooting at ma­ipalabas ang pelikula sa October 22, ma­nanatili silang friends ni Kylie dahil hindi lang shooting friendship mayroon sila, kundi genuine friendship.

Si Joey Reyes ang director ng Dilim na ang klase ng horror na mapapanood ay puwedeng mangyari sa sa totoong buhay.

Iza buking na nakikipag-live in na sa bf!

Minsan, ang mga artista mismo ang pinagmumulan ng tsismis sa kanilang sarili dahil sa mga pino-post sa social media. Sa rami ng followers nila, agad nalalaman kung ano ang latest sa buhay nila dahil na rin sa mga pino-post sa Instagram, Facebook at Twitter.

Ilang artista na ang nabuking na nakikipag-live in sila sa boyfriend at girlfriend nila dahil na rin sa kanila. Ang latest example ay si Iza Calzado na nag-tweet na pag-uwi niya from work, nakahanda na ang dinner niya na inihanda ng kanyang boyfriend.

Tanong ng followers ng aktres kung nagpakasal na sila ng kanyang BF at may deretsahang nagtanong kung live-in sila ng BF. Hindi na lang sinagot ni Iza ang tanong ng pakialamerang follower, pero siguradong ang isasagot ng aktres ay hindi na siya bata para sa ganu’ng sitwasyon.

May ilang fans/followers ng aktres na medyo na-disappoint sakaling totoong nakikipag-live in ang favorite actress nila. Pero hindi na nga bata ang aktres at hindi siya ang unang aktres na nakipag-live in kung totoo man, kaya relax lang kayo!

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANNABELLE

ASIA PACIFIC

DAHIL

DILIM

EDDIE GUTIERREZ

IT TAKES GUTZ

RAYVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with