^

PSN Showbiz

Hindi na galit Heart inimbitahan ng ama sa birthday celebration

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tapos na ang Startalk nang i-post ni Heart Evangelista sa kanyang social media account ang litrato nila ng tatay niya.

Kasama ni Heart sa picture ang kanyang mga kapatid na babae. Maligayang-maligaya si Heart dahil inimbitahan siya ng tatay niya sa birthday dinner nito na isa lang ang ibig sabihin, magkasundo na sila.

Wala sa picture ang nanay ni Heart na kumpirmasyon na silang dalawa na lang ang hindi pa nagkakasundo. Sooner or later, magkakabati rin ang mag-ina dahil walang magulang na nakakatiis sa kanilang mga anak.

Anak nina Benjie at Jackie na si Kobe may tsansa sa NBA

Guest namin sa Startalk sa susunod na Sabado si Kobe Paras, ang anak nina Benjie Paras at Jackie Forster na unti-unting gumagawa ng pangalan sa Amerika bilang mahusay na basketball player.

Seventeen years old pa lamang si Kobe, pero 6’6” na ang kanyang height. Patuloy ang pagtangkad ni Kobe at perfect na perfect ang taas niya para maglaro ng basketball.

High school student si Kobe sa Cathedral High School sa California at may offer sa kanya na varsity scholarship ang NCAA Division I school. May future talaga si Kobe sa NBA.

Babalik ng Pilipinas si Kobe dahil summer vacation sa U.S. Member siya ng  Philippine Youth Team na lalaban sa 2014 FIBA Asia Under-18 Championship, sa Doha, Qatar, sa susunod na buwan.

Video scandal ng kilalang personalidad na kumakalat lumang-luma na

Ako ang magsasabi na lumang-luma na ang isang video scandal na ngayon lang umiingay.

Wala pang anti-voyeurism law nang gawin ang video scandal na kinasasangkutan ng mga kilalang personalidad.

Hindi na big deal ang pagkalat ng video scandal at sure ako na natuto na ng malaking lesson ang mga tao na involved.

Reklamo ni Aljur hindi pa nakakarating sa mga bossing ng GMA

Ngayon ang State of the Nation Address (SONA) ni P-Noy pero decided na si House Representative Lani Mercado na huwag dumalo, kahit may mga nagsasabi na hindi magpaparinig ang presidente laban sa mga isinasangkot sa PDAF scandal.

Hindi ko rin mapapanood ang SONA ni P-Noy dahil tuwing Lunes ng hapon ang production meeting ng Startalk.

Hangga’t puwede, umaapir ako sa production meeting ng Startalk para ma­laman ko ang mga isyu na pag-uusapan namin tuwing Sabado.

May mga nakapansin na hindi tinalakay sa Startalk noong Sabado  ang petition na isinampa ni Aljur Abrenica sa Quezon City Justice Hall dahil sa kagustuhan niya na makawala sa kanyang exclusive contract sa GMA 7.

Wala talagang report ang Startalk dahil hindi pa natatanggap ng GMA 7 ang kopya ng petition ni Aljur. Mahirap sagutin ang isang isyu na lumabas lamang sa mga diyaryo at entertainment website

Maingat ang GMA 7 kapag mga legal issue ang pinag-uusapan. Pinaiiral ng management ang due process bago sila maglabas ng statement o sagutin ang mga isyu na ipinupukol laban sa kanila.

Makaaasa si Aljur na makakarinig siya ng sagot mula sa GMA Network kapag natanggap na ng legal department ang kopya ng kanyang petition.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ASIA UNDER

BENJIE PARAS

KOBE

SABADO

STARTALK

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with