^

PSN Showbiz

‘Kaya kong tumandang mag-isa’ - Piolo

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Balik-teleserye si Piolo Pascual via Hawak Kamay na magbibigay inspirasyon sa mga pamilya. Gagampanan nito ang karakter ni Gin na lasenggong bumibitiw na sa kanyang pangarap na maging isang sikat na musikero. Kasama nito ang mga magagaling na child stars natin na sina Zaijan Jaranilla, Andrea Brilliantes, at Xyriel Manabat. Ipinakikilala rin ang bagong child star na si Yesha Camille.

Kasama rin ni Piolo si Iza Calzado na nakatrabaho niya sa Starting Over Again na naging isang malaking tagumpay.

Kumusta namang katrabaho ang mga kids? tanong namin.

‘‘Nakakapanibago. Pero nag-enjoy ako dahil kahit mga bata pa, hindi sila maarte. Problema lang dahil maaga silang gumising at dibdiban sa trabaho,’’ anang Piolo.

Kung siya ang masusunod gusto niyang magkaroon ng malaking pamilya mga anim na bata.

‘‘I love kids kaya lang may problema dahil ayaw kong mag-commit sa isang babae. Hindi ko mapaninindigan ang responsibilidad ko sa kanya dahil abala ako sa trabaho. I can manage kahit tumanda akong mag-isa,’’ aniya.

Ayon pa rin sa aktor mag-e-enjoy siya sa single blessedness. Payag naman siyang mag-adopt ng bata dahil naniniwala siyang blessing ito.

‘‘Kaya lang mas gusto kong makita ’yung talagang galing sa akin,’’ say pa nito.

Nakatira si Piolo sa isang condo unit dahil mag-isa lang siyang namumuhay kaya ayaw nito ng malaking bahay.

Nasundan ang kasikatan ni Iza

Inamin ni Piolo Pascual na magkasama sila ni Iza Calzado sa That’s Entertainment nun kung saan 15 years old ang aktor at 10 naman si Iza. ‘‘Nakita ko ang maturity niya as an actress,’’ sey ni Piolo.

vuukle comment

ANDREA BRILLIANTES

HAWAK KAMAY

IZA

IZA CALZADO

KASAMA

PIOLO

PIOLO PASCUAL

STARTING OVER AGAIN

XYRIEL MANABAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with