^

PSN Showbiz

Angel ngayon lang gagawa nang higanteng pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kumpirmadong gagawin na ng Star Cinema ang pelikulang Darna na pagbibidahan ni Angel Locsin. Una nang gumanap bilang Darna ang aktres sa teleserye ilang taon na ang nakararaan. Ayon kay Angel ay masasabi niyang ito na ang pinakamalaking proyekto na kanyang gagawin.

Naku! You have no idea kung gaano kalaki! Kasi kahit ako, nagulat eh. Sabi ko, ‘Sandali lang ha, ganito pala kalaki ito. As in never ako naka-experience ng ganito kalaking project o nakarinig man lang. First time ito, first time ito sa buong history ng Pilipinas,” nakangiting bungad ni Angel.

Mga bigating personalidad din ang makakasama ng dalaga sa paggawa ng nasabing pelikula.

Ang tapang ng Star Cinema para gawin itong project na ‘to. And ako, bilang napili nilang artista rito, sobrang hanggang nga­yon speechless talaga ako. Overwhelmed ako kung gaano kala­king proyekto, gaano kaganda, at kung gaano kagagaling ‘yung mga tao na kinuha nila behind ng camera. Ang makakatrabaho ko dito, best of the best ng industriya talaga,” paglalarawan ni Angel.

Aminado ang aktres na malaki ang naitulong nang pagganap niya ng Darna noon dahil ito raw ang nagpasikat sa kanya talaga.

Ang laki ng respeto ko kay Darna. Iningatan ko si Darna noong ginagawa ko pa lang siya. And kahit noong hindi ko na siya ginagawa, isinapuso ko talaga si Darna. Dahil dito, nag-bloom ang career ko. Nakilala ako, nagkaroon ng magandang trabaho, na­bubuhay ko nang komportable ang pamilya ko. Pasasalamat ko ito talaga sa kanila,” pagtatapos ng dalaga.

Piolo hindi mapigilan ang anak sa pagso-showbiz

Nasa bansa ngayon ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo dahil nakabasyon ito mula sa kanyang klase sa Amerika. Halos araw-araw magkasama at hindi na naghihiwalay ang mag-ama sa tuwing umuuwi si Iñigo sa Pilipinas upang mag-bonding.

“We have been bonding, eve­ry­day magkasama kami. Ban­yo lang kami nagkakahiwalay, para ko siyang anino, paggising, pagtulog magkasama kami. It’s a fun time to be with him. Eve­ry summer ko lang siya nakakasama nang matagal dito kaya I really cherish it,” pagbabahagi ni Piolo. Kamakailan ay nag-audition daw si Iñigo sa Amerika upang mapabilang sa isang Christian boy band pero hindi pa makapagbigay ng detalye ang aktor kung ano ang kinalabasan nito.

I think I am not allowed to talk about it hangga’t hindi pa ayos ‘yung kontrata. Yeah, I think he has got something else in the States when he gets back,” pahayag ni Piolo. Kahit nag-aaral sa Amerika ay mukhang hindi na raw mapigilan ng aktor ang anak na pasukin na rin ang mundo ng show business dahil talagang may hilig din si Iñigo dito.

 “Inevitable naman ‘yun eh. I just asked him to give me a high school diploma, kung makatuntong siya ng college, I will be the happiest dad. Pero siyempre iba pa rin kapag may edukasyon ka sa utak, may laman ‘yung utak mo. ‘Yun ang deal namin, at 18 ikaw na ang mag-decide para sa sarili mo. Pero sabi ko just give me your high school diploma,” giit ni Piolo. 
Reports from JAMES C. CANTOS 

vuukle comment

AMERIKA

ANGEL LOCSIN

DARNA

PERO

PIOLO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with