^

PSN Showbiz

Reporter hingal-kabayo sa kahahabol kay Vhong

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hingal-kabayo ang reporter ng isang AM Radio kahapon habang nagko-co­ver nang pagpunta ni Vhong Navarro sa Department of Justice para pirmahan ang supplemental affidavit ng mga kaso sa mga nambugbog sa kanya.

Nang lumabas daw kasi ng hospital ang TV host-comedian, dagsa na ang taong naghihintay sa paglabas ni Vhong. Nang papaalis na ng hospital papunta sa DOJ, nagkatulakan na at pati ang mga taga-media, nakasama sa mga itinulak.

Kailangan siguro ng exercise ng nasabing AM radio reporter para naman in case na may mga habulang coverage tulad niyan, hindi siya hingal-kabayo habang nagre-report. Nakaka-bother pakinggan.

Samantala, marami namang nag-react sa pagputol ng live coverage ng ANC ng Senate sa Zamboanga City standoff  para ma-ere ang pagpunta ni Vhong sa DOJ. Nagulantang ang mga nanonood sa ginawa ng ANC. National issue raw ang Zamboanga standoff.

Pero masyado kasing mainit ang isyu kay Vhong kaya siguro iniwan ng ANC ang investigation sa Senado at tinutukan ang pagpirma ng mga dokumento ng Kapamilya aktor na mabuti na ang kalagayan matapos mabugbog.

Pinasalamatan naman ni Vhong ang fans na nagdasal para sa kanya paglabas niya ng hospital. “Maraming salamat sa lahat ng nagdarasal, sa lahat nang nagpapalakas ng loob ko, maraming mara­ming salamat po.”

ABS-CBN pumalo agad ang rating sa 2014

Maganda ang pasok ng taong 2014 para sa ABS-CBN dahil unang buwan pa lamang ay pu­malo na agad ang average national audience share nila sa 44%, o mas mataas ng 12 puntos sa 32% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.

Namamayagpag din ang Kapamilya network sa iba’t ibang panig ng bansa - sa Ba-lance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila), kung saan nagtala ito ng average audience share na 45% kumpara sa GMA na may 36%. Higit pang inungusan ng ABS-CBN ang kalabang network sa Visayas (58%) at Mindanao (57%) na parehong 35 puntos ang lamang  23% at 22%.

Malaking bagay pa rin sa pamamayagpag na ito ang patuloy na pangu­nguna sa primetime (6 p.m-12 m.n.) block ng ABS-CBN. Noong Enero, pumalo sila sa average audience share na 48%.

 Simula pa lang ay humataw na ang teleseryeng The Legal Wife sa average national TV rating na 21.5% at pumang-walo sa listahan ng pinakapinanood na programa noong Enero.

Ang sitcom na Home Sweetie Home (20.2%) naman ang programang pinakapinanood tuwing Linggo, habang ang TV Patrol (27.2%) pa rin ang pinakatinutukan pagdating sa balita.

Panalo rin sa kanyang timeslot ang Got to Believe nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa average national TV rating na 25.5%.

Sa kabuuan, 13 sa listahan ng top 15 na prog­ramang pinapanood sa buong bansa noong Enero ay mula sa ABS-CBN kabilang na ang Honesto (29.7%),  Wansapanataym (28.6%), Maalaala Mo Kaya (26.5%), Bet On Your Baby (25.4%), Annaliza (22.4%), Rated K (18.7),  Be Careful With My Heart  (17.8%),  Goin Bulilit (17.2%), at Maria Mercedes (15.9%).     

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

BET ON YOUR BABY

DANIEL PADILLA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

GOIN BULILIT

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with